Kilalanin Natin Ang Napakagandang Katuwang Sa Buhay Ng Aktor Na Si Dennis Padilla

Ang bawat isa sa atin ay nangangarap na makatagpo ng isang makakatuwang sa ating buhay na makakasama natin hanggang sa ating pagtanda. Isang katuwang na makakatulong natin sa lahat ng aspeto ng ating buhay maging ito’y sa hirap o ginhawa man.

Photo Credit:dennisastig/Instagram




Pinagpala ang mga taong natagpuan na ang kanilang makakatuwang sa buhay na sila ay pakakamamahalin at susuportahan sa lahat ng bagay, ngunit mas pinagpala ka kung nakatagpo ka na ng katuwang na mamahalin ka na nagtataglay pa ito ng kagandahan ng kalooban at ng pisikal na kagandahan.

Photo Credit:dennisastig/Instagram

Ang aktor na si Dennis Padilla ay natagpuan ang kanyang pakamamahalin at magiging katuwang sa buhay sa katauhan ni Linda Marie Gorton. Si Linda ay isang Aussie-Pinay na mas bata ang edad kay Dennis, na halos 24-taon ang pagitan ng edad nilang dalawa.

Photo Credit:dennisastig/Instagram

Sa mga larawan ni Linda ay makikita na ang katuwang na ito ni Dennis ay may angking ganda na talaga namang hahangaan rin ng marami at pwedeng sabihin na maari syang mag-artista.

Photo Credit:dennisastig/Instagram

Sa kabila naman ng malaking pagitan sa kanilang edad ay napanatili nina Dennis at Linda ang kanilang matibay na pagsasama, sa ngayon ay siyam na taon na ang relasyon ng dalawa at magtatagal pa dahil makikita sa kanilang dalawa ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Hindi rin naman naging hadlang sa relasyon ni Dennis kay Linda ang pagkakaroon niya ng anak sa dati niyang asawa na si Marjorie Barretto, sa katunayan nga ay nakilala na at tanggap ng magkapatid na Julia Barretto at Claudia Barretto si Linda bilang bagong katuwang ng kanilang ama sa buhay nito.

Maging ang pamilya ni Dennis Padilla ay hindi rin naging hadlang at buong pusong tinanggap si Linda sa pamilya ng mga Padilla. Bilang magkatuwang sa buhay ay napanatili nina Dennis at Linda ang magandang relasyon sa kanilang pagsasama kahit na nga ba malayo ang edad nila sa isa’t isa.




Isa nga sa mga bonding moments nila ay ang madalas nilang pamamasyal sa iba’t ibang lugar. Makikita naman sa mga larawang ibinahagi na masaya sina Dennis at Linda sa kanilang relasyon, at makikita rin na sila ay may masayang pamilya na kung saan ay may larawan sila na kasama ang kanyang tatlong anak na naging bunga ng kanilang pagmamahalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *