Kilalanin Reigen Maristela Ang Napakagandang Anak Ni Regine Tolentino Na May Potensyal Sa Pagiging Isang Modelo

Unang nakilala sa telebisyon si Regine Tolentino, ng mapabilang siya sa ABS-CBN Talent Center na “Star Magic”. Isa si Regine, sa mga kauna-unahang batch ng mga artista na napabilang rito, kung saan ay dito na nga nagsimula ang kanyang karera sa showbiz.



Matatandaan na taong 1997, ng maging kauna-unahang VJ si Regine ng MTV Asia. Tinagurian rin siyang Dance Diva, dahil sa taglay niyang talento sa pagsasayaw. Masasabi rin natin na isa si Regine Tolentino noon sa mga aktibong aktres at host.
Image Credit via Google
Sa ngayon, ay bihira na lamang ang naging palabas sa telebisyon ni regine Tolentino, dahil sa pagiging abala niya sa kanyang buong pamilya.
Image Credit via Google
Meron nang ang tatlong anak si Regine, ngunit hindi naman ito mahahalata dahil magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang taglay niyang ganda, at kaseksihan ng kanyang pangangatawan.
Image Credit via Google
Isa naman sa mga anak ni Regine ang naging agaw atensyon ngayon sa social media, at ito nga ay ang kanyang panganay na anak na si Reigen Maristela. Nakuha nga ng dalaga ang atensyon ng mga netizens sa social media, dahil sa hindi maipagkakaila na naman nito sa kanyang ina, ang angkin niyang ganda at hubog ng katawan.
Image Credit via Google
Marami nga sa mga tagahanga ni Regine, ang nag-aantay ng pagpasok ni Reigen sa showbiz, at sundan ang naging yapak ng ina nito noon.
Image Credit via Google
Ngunit sa ngayon, ay hindi naman daw ito priyoridad ng anak ni Regine, dahil wala pa sa isipan nito ang pagpasok sa showbiz, at ang nais muna nito ngayon ay ang matapos ang pag-aaral nito. Sa ngayon nga ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo si Reigen Maristela.
Image Credit via Google
Marami naman ang nagsasabi na pang modelo ang taglay na kagandahan at hubog ng katawan ng anak na ito ni Regine na si Reigen, dahil sa taglay nitong tangkad at magaling rin ito sa pagdadala ng kanyang mga kasuotan.
Image Credit via Google
Hindi nga lang basta ang ganda at alindog ng kanyang ina ang namana ni Reigen, dahil maging ang galing sa pagsasayaw ay namana rin niya sa inang si Regine.
Image Credit via Google
Maliban nga sa talento ng pagsasayaw, ay magaling rin si Reigen pagdating sa design at arts, kaya naman marami ang nagsasabi na maaaring siya ang magmanage ng “Regine Tolentino Atelier” pagdating ng araw.
Ang “Regine Tolentino Atelier”, ay ang negosyong binuo at ipinundar ni Regine Tolentino noong taong 1999.



Para naman kay Regine Tolentino, ay napakaswerte niya sa kanyang anak, dahil sa kabila ng maraming papuri ang natatanggap nito ay nanatiling simple at mapagkumbaba ito. Hindi rin umano ito maluho, hindi rin umano ito mayabang bagkus ay napaka mahiyain pa nga nito.
Ano ang masasabi niyo sa napakagandang anak ni Regine Tolentino? Isa rin ba kayo sa mga naghihintay ng pagpasok niya sa mundo ng showbiz?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *