Kilalanin Si Addie Manzano Ang Kapatid Na Babae Ni Luis Manzano Na Agaw Pansin Ngayon Sa Social Media

Ang mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano ay mga kilalang celebrity sa mundo ng showbiz bilang mga mahuhusay na aktor at TV host. Dahil sa talaga namang sikat ay madalas na nagiging laman ng social media ang kani-kanilang mga pangalan, kagaya na nga lamang ni Luis na kamakailan lamang ay pinag-usapan online ng ito ay ikasal na sa kanyang nobyang aktres na si Jessy Mendiola.




Si Luis ay kilala nga bilang anak ni Edu Manzano, ngunit marami naman sa atin ang hindi nakababatid na ito pala ay may kapatid na babae sa kanyang ama, at ito nga ay nakilala si Addie Manzano.

Photo Credit: addie.manzano/Instagram

Base sa mga ulat, si Addie ay anak ng Tv host-actor na si Edu Manzano sa dating kasintahan nito na isang modelo, na si Rina Samson. Sa kasalukuyan ay 21-taon na umano si Addie at kasama ang kanyang ina at kapatid na si Enzo Manzano ay sa New Nork ang mga ito naninirahan.

Photo Credit: addie.manzano/Instagram

Sa kabila ng sa ibang bansa naninirahan si Addie at ang kapatid nitong si Enzo ay madalas naman ang mga ito na bumisita sa Pilipinas para makasama ang kapatid na si Luis at amang si Edu. Sa katunayan pa niyan, ay dito silang dalawang magkapatid nag-aral ng kolehiyo, kung saan si Enzo ay nagtapos sa De La Salle University at sa Ateneo de Manila naman nagtapos ng kanyang kolehiyo si Addie.

Photo Credit: addie.manzano/Instagram

Samantala, kapansin-pansin naman na namana nina Addie at Enzo ang good looks ng kanilang mga magulang. Lalo na nga si Addie, kung saan ay maraming mga netizens ang nakapansin ng kanyang taglay na kagandahan.

Photo Credit: addie.manzano/Instagram

Hindi man sumunod sa yapak ng kanyang ama at kapatid na si Luis si Addie na pumasok sa mundo ng showbiz, ay noong taong 2014 at minsan na rin itong naging endorser ng isang whitening lotion at taong 2016 naman ay naging host ito sa sports series ng ABS-CBN na UPFRONT at UAAP.

Photo Credit: addie.manzano/Instagram

Matatandaan rin na noon ay nakapanayam si Addie sa programang ‘Magandang Buhay’ ng Kapamilya network kung saan ay ibinahagi niya ang mga katangian ng kanyang amang aktor.

Photo Credit: addie.manzano/Instagram

Naibahagi ni Addie na ang kanyang amang si Edu ay fluent sa lenggwaheng Spanish at minsan nga kapag kausap niya ito at nagsimula itong mag-Spanish ay hindi na nga niya maintindihan sa sobrang husay nito sa pagsasalita ng nasabing lenggwahe.




Dagdag pa ng dalaga, isa pa sa mga kahanga-hangang katangian ng kanyang ama ay ang pagkakaroon nito ng good memory. Dahil kahit na napakatagal na ngang panahon na nakasalamuha o nakilala nito ang isang tao ay naaalala niya pa rin ito.

Kahit nga naman hindi pumasok sa mundo ng showbiz si Addie ay masaya ito sa kanyang career at buhay sa bansang New York. Malapit rin siya sa kanyang amang si Edu at kapatid na si Luis Manzano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *