Kilalanin Si AJ Raval Ang Napakagandang Anak Ni Jeric Raval Na Sumunod Sa Kanyang Yapak Sa Pag-aartista

Isa nga sa pinakasikat at hinahangaang aktor si Jeric Raval sa showbiz noong dekada 90 dahil sa pagiging isa niyang magaling na action stars.



Tunay nga naman na kapag ang sikat na artista kapag nawala na sa mundo ng showiz ay mananatili pa rin ang imahe ng iniwan niya sa publiko dahil sa mga pelikulang kanyang ginawa at karakter na kanyang ginampanan.
Photo Credit: ajravss/Instagram
Tulad na lamang ng ang dating kilala ang sikat na action star na si Jeric Raval na talaga namang hindi basta basta malilimutan ng mga manonood dahil sa tumatak na sa mga ito ang kanyang mga kahanga-hangang galaw at pagganap sa mga action movies.
Photo Credit: ajravss/Instagram
Masasabi rin natin na isa si Jeric Raval sa mga action star na may angking kakisigan, kaya naman talagang marami rin ang mga kababaihan ang nagkainteres noon sa aktor.
Photo Credit: ajravss/Instagram
Samantala, tila naman namana ng anak ni Jeric ang kanyang karisma, dahil ngayon nga ay agaw pansin ang ganda nito sa publiko. Hinahangaan ngayon sa social media si AJ Raval, ang napakagandang bunsong anak ni Jeric sa dati niyang karelasyon na si Alyssa Alvarez.
Photo Credit: ajravss/Instagram
Makikita nga sa mga larawan ni Aj Raval ang kanyang napakagandang mukha na hindi maikakaila na namana niya ang magandang lahi ng kanyang mga magulang. Ngunit, ang higit pang kahanga-hanga sa kanya, ay ang magandang katangian na namana niya sa kanyang ama at pati na rin ang galing at hilig ng ama sa pag-arte.
Photo Credit: ajravss/Instagram
Sa mga anak ni Jeric Raval, ay si Aj Raval ang sumunod sa yapak ng ama na pasukin ang mundo ng showbiz. Masaya naman ang dating action star sa kung ano man ang mapiling karera na nais tahakin ng kanyang mga anak ngunit mas naging masaya ito ng napili at tahakin ni AJ ang landas ng kanyang tinahak noon at batid niya na hindi imposible na marating ng kanyang anak ang kasikatan na pinapangarap nito.
Photo Credit: ajravss/Instagram
Matatandaan na unang nasilayan ng publiko si AJ sa noon time show na “It’s Showtime” sa segment nitong Kaparewho kung saan ay kasama niya ang ama ng mag-guest doon. Dito nga ay nakita na agad ang potential ni AJ bilang isang artista. Hindi nga nagtagal ay pinasok na ni AJ ang pag-aartista, kung saan ay ipinakita niya ang kanyang galing sa pag-arte..



Sa ngayon ay isa AJ Raval sa mga talent ng Viva Artist Agency.
Para naman kay Aj ang kanyang ama na si Jeric ang kaisa-isang lalaki na kanyang kinabibilangan.
Photo Credit: ajravss/Instagram
” Sa isang lalaki lang ako bilib, sa aking astiging tatay – si Jeric Raval.”
May mensahe naman si Jeric Raval sa mga lalaking ide-date ng anak niyang si Aj, kaya naman talagang dapat ay maging handa ang mga lalaking aaligid sa kanyang anak.
“Yang mapipigil mo, kapag hindi matino yan, yari sa akin yan”, ang mensahe nga ni Jeric Raval sa lalaking magugustuhan ng anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *