Para sa isang magulang ay isang malaking biyaya at kayamanan nila sa kanilang buhay ang kanilang mga anak. Kaya naman hanggat makakaya, lahat ng pagmamahal, atensyon at suporta ay ibinibigay ng magulang sa anak.
Isa nga sa mga magulang ngayon na nagpapamalas ng kanyang labis na pagmamahal sa kanyang anak ay ang celebrity mommy na si Ara Mina, kung saan kamakailan nga lamang ay nagbahagi siya ng mga larawan ng kanyang anak sa Instagram account niya na may kalakip na mensahe ng pagmamahal para sa kanyang unica hija na si Amanda Gabrielle.

Sa unang larawan na ibinahagi ni Ara ay makikita ang kanyang napakagandang little bride na anak, nakasuot kasi si Amanda ng napakagandang white ball gown. Ang nasabing larawan ay kinunan sa naging kasal ni Ara kamakailan lamang sa kanyang asawa na ngayon na si Dave Almarinez, at terno pala ng gown na suot ni Amanda ang mismong wedding gown na suot ni Ara sa araw ng kasal nito.

Ayon sa ulat, talagang ipinasadya ni Ara sa isang mahusay na designer ang suot nilang white ball gown ni Amanda nung kasal niya, kaya naman matching-matching talaga silang mag-ina. Masisilayan naman sa iba pang larawan ang mga sweet moments ng mag-ina, pati na rin ang mga kakulitan at kabibohan ni Amanda Gabrielle.

“My treasure [red heart emoji] I thank God everyday for her. My daughter is one of the greatest gifts I’ve ever gotten. She is a little star and my life has changed so much for a better since she came along”, ang naging saad ni Ara sa caption ng kanyang mga ibinahaging larawan.

Para rin kay Ara ay talagang isang malaking biyaya ang kanyang anak na si Amanda Gabrille sa kanyang buhay, kaya naman ipinagpapasalamat niya sa Diyos ang pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na maging isang ina sa kanyang anak.
‘Thankful’ din umano si Ara, dahil sa isang napakabait na bata ng kanyang anak.
“Thank you for being a sweet and good daughter. I love you so much my Amanda Gabrielle.. Tito Dave loves you.. We all love you”, dagdag na saad pa ni Ara.
Si Amanda Gabrielle ay malapit rin sa asawa na ngayon ng kanyang ina na si Dave Almarinez.