Kilalanin Si Arabella Ang Napakagandang Bunsong Anak Nina Ricky Davao At Jackie Lou Blanco

Talaga nga namang ang tagumpay ng mga anak ay tagumpay rin ng mga magulang. Kaya naman, labis ang kaligayahan ng mga magulang kapag ang kanilang anak ay natupad na ang mga pangarap sa buhay.




At isa na nga rito ang pagkakaroon ng Bachelor’s Degree o ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.

Image Credit via Google

Bagama’t maraming mga pagsubok ang mararanasan sa pag-aaral ng mga anak, mapalad ang mga magulang na sa kabila ng mga pagsubok ng mga anak sa kanilang pag-aaral ay ginagawa pa rin ng mga ito ang makapagtapos.

Image Credit via Google

Ganito kapalad ang mag-asawang Ricky Davao at Jackie Lou Blanco dahil ang kanyang bunsong anak na si Arabella Davao ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang kanilang kaligayahan ay ibinahagi ng mag-asawa sa social media kung gaano sila ka-proud sa bunsong anak nila na si Arabella.

Image Credit via Google

Noong May 31, 2019, natupad ni Arabella ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa Ateneo De Manila University.

Image Credit via Google

Hindi naman pinalampas ng magulang na sina Jackie Lou at Ricky ang pagkakataong ito upang saksihan at suportahan ang tagumpay sa buhay ng kanilang anak. Sa Isang Instagram post, ibinahagi ni Jackie Lou at Ricky ang tagumpay na nakamit ng kanilang bunso sa pamamagitan ng isang sweet na mensahe.

Image Credit via Google

Ipinahayag nga ni Jackie Lou sa post kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang anak at ayon pa sa aktres, parati lamang itong nasa tabi ng kanyang bunso upang suportahan ang anumang nais niyang makamit sa buhay.

Image Credit via Google

Binati rin ito ng aktres sa tagumpay nito, at sinabi na hindi siya magsasawang gabayan ang anak sa anumang landas na tatahakin nito, sa tagumpay, kaligayahan at kahit pa ito’y kabiguan at kalungkutan.

Image Credit via Google

Samantala, ang ama naman nitong si Ricky ay idinaan sa isang simple ngunit sweet na mensahe ang pagsuporta at pagbati sa bunsong anak.

Pahayag pa ng beteranong aktor, labis niyang ipinagmamalaki ang anak at lagi niya itong gawin sa anumang tagumpay na ginagamit nito. Ipinahayag rin ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa kanilang bunso kung saan ang kanyang mensahe para sa anak ay nagtapos sa isang matamis na “I love you”.




Marami ang naantig at humanga sa post ng mag-asawa na kung saan ay talagang umani ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens.

Kapansin-pansin naman ang taglay na kagandahan ni Arabella na hindi naman maitatanggi na nagmana at nakuha sa kanyang mga magulang ang magandang lahi. Hindi maikakaila na nakuha ni Arabella sa ina ang magandang mukha dahil nahahawig ito sa aktres. Maliban kay Arabella, may 2 anak pa sina Jackie Lou at Ricky, sina Kenneth and Rikki Mae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *