Kilalanin si Asiana ang Mala-Modelo sa Ganda na Anak ng Dating Aktres Na Si Wilma Doesnt

Si Wilma Doesnt ay isa sa mga kilalang model-host, siya rin ay isa sa mga dating host ng ‘The Sweet Life’. Maliban sa pagiging isang modelo-host, ay isa na ring ganap na ina si Wilma sa kanyang anak na babae na si Asiana. At kagaya nga ng ibang mga nanay, ay ‘very proud’ din siya sa kanyang anak na si Asiana, lalo na ngayon na ito ay dalaga na.




Katulad ng kanyang ina, ay mayroon ding natatanging ganda ang anak ni Wilma Doesnt na si Asiana, at ito nga ay makikita base na rin sa mga nag-gagandahan nitong larawan na ngayon ay kumakalat sa social media.

Photo Credit: doesntwilma/Instagram

Kamakailan nga lamang, ay naging agaw-pansin ang kagandahan ni Asiana, ng ibahagi ng kanyang ina ang kanyang napakagandang larawan kung saan ay makikita nga na siya ay nakasuot ng ball gown. Ayon sa ulat ang larawan ay kuha sa naging pagdalo ni Asiana sa kanyang prom, at talaga namang mas lumitaw pa ang kagandahan ng dalaga dahil sa napakaganda niyang kasuotan.

Photo Credit: doesntwilma/Instagram

Ang sikat na designer na si Randy Ortiz umano ang may gawa ng ball gown na suot ni Asiana, at ang buhok naman nito ay inayos ni Jing Monis na bumagay nga talaga sa kanya. Ang The BLOC by Junie Sierra &Co naman ang nagmake-up sa anak ni Wilma Doesn’t kaya naman tumingkad pa lalo ang gandang taglay nito.

Photo Credit: doesntwilma/Instagram

Hindi naman maitatanggi na sa ipinamamalas na ganda at postura ni Asiana ay may posibilidad na sundan nito ang yaka ng kanyang ina, at maging isa ring mahusay at hinahangaang modelo sa hinaharap. Maliban pa sa pagiging modelo, ay may potensyal rin si Asiana na maging isang beauty queen.

Photo Credit: doesntwilma/Instagram

Noon ngang magdiwang si Asiana ng kanyang ika-16 taong kaarawan, ay naghayag ang kanyang inang si Wilma Doenst ng nakakaantig na mensahe para sa kanyang anak.




“Happy birthday ate Asiana.. thank you for being the best ate… may God continue to shower you w/ blessings. Buti na lang talaga kamukha kita… I love you super proud of you… Continue to be the best person that you always wanted to be”, mensahe ni Wilma para sa anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *