Kilalanin Si Atasha Muhlach Anak Nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales

Si Aga Muhlach ay isa sa mga tanyag na aktor noon, maging hanggang ngayon sa industriya ng showbiz. Sa angking kagwapuhan at karisma ay kilala siya bilang matinik na “Babe magnet” at matinee idol ng showbiz industry, kaya naman hindi magiging imposible na kahit mga millennials o mga young generation ngayon ay kilala ang aktor.




Ang 50-taong gulang na product producer at multi-awarded actor, ay kilala ng publiko sa kanyang screenname na Aga Muhlach ngunit ang kanya talagang tunay na pangalan ay Ariel Aquino Muhlach. Dahil sa taglay na karisma at kagwapuhan, binata pa lamang siya ay talagang tinitilihan at kinakikiligan na siya ng maraming mga kababaihan.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Batid naman natin, na kahit pa nga ba marami ang babaeng nahumaling noon sa aktor, ay may isang babaeng nagwagi nabihag ng kanyang puso at ito ay walang iba kundi ang kanyang misis ngayon na si Miss Universe Philippines Charlene Gonzales.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Bukod sa pagkakaroon ng magandang asawa, ay maganda rin ang kwento ng buhay pag-ibig ng dalawa. Ayon sa ilang mga ulat, bago pa man naging opisyal na magkasintahan ang dalawa ay nauna ng ma-engage ang mga ito.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Nang ikasal ang dalawa at magsimula ng bumuo ng kanilang pamilya, ay agad naman silang biniyayaan ng anak. Hindi lang isa kundi dalawa agad ang kanilang naging anak, sapagkat kambal na lalaki at babae ang agad na ibinigay ng supling sa kanila.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Ang kambal na anak nina Aga at Charlene, ay pinangalanan nilang Andres at Atasha Muhlach. Bata pa lamang ang kambal ay nakikita na sa mga ito na namana nila sa kanilang mga magulang ang kanilang gwapo at magandang mukha.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Ngayon ay binata at dalaga na ang kambal, sapagka’t pareho na silang 19-taong gulang.
Posible nga na magkaroon ng puwang sa showbiz ang Kamba dahil sa kanilang karismang taglay na namana sa kanilang mga magulang , ngunit mas pinili ng mga ito na magpokus muna sa kanilang pag-aaral at makapagtapos sa kursong nais nilang dalawa.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Sa kanilang pag kolehiyo, ay unang beses, magkakahiwalay ang kambal dahil si Atasha ay sa United Kingdom mag-aaral ng kanyang kolehiyo samantalang ang kanyang kakambal na si Andres ay United States naman.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Ito rin ang unang beses na naghihiwalay ang dalawa sa kanilang mga magulang, kaya naman bago pa tuluyang umalis si Atasha patungong United Kingdom para sa kanyang pag-aaral ay sinulit na ng pamilya ang oras na sila ay buo at magkakasama.

Photo Credit: itsmecharleneg/Instagram

Kahit pa nga ba naging abala si Aga noong mga nakaraang buwan sa kanyang mga proyekto at pelikula ay nakakamangha naman na talagang ginawa niya ng paraan upang makapaglaan siya ng oras at panahon sa kanyang pamilya.




Talaga nga namang basta para sa pamilya ay walang imposibleng gawin ang isang magulang, lalo’t kung para ito sa kanyang mga anak.

Malungkot man na malayo ang mga anak sa magulang, malaki naman ang maitutulong nito upang matuto sila sa buhay na maging independent at mature. Kailangan lamang na sa oras na nangailangan sila ng tulong at suporta ay patuloy pa rin na nariyan ang mga magulang upang suportahan at tulungan sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *