Kilalanin Si Ayeesha Therese Daniela Cervantes Ang Ka Look Alike Ni Kathryn Bernardo

Walang kokontra kapag sinabing isa sa pinakasikat at popular na artista ngayon sa industriya ng showbiz sa Pilipinas ay si Kapamilya Actress Kathryn Bernardo. Maging ang love team nila ng kanyang real life sweetheart na si Daniel Padilla, ay talaga namang isa rin sa pinaka-popular na tambalan na kinakailangan ng maraming mga manonood.



Isa rin si Kathryn Bernardo sa mga aktres sa industriya na may pinaka-maganda at charming na mukha.
Image Credit via Google
Ngunit ngayon, ay isang Kapuso artist ng GMA-7 ang naging agaw-pansin dahil sa malaking pagkakahawig umano nito kay Teen Queen Kathryn Bernardo ng ABS-CBN.
Tulad ni Kathryn Bernardo ay nagtataglay rin ang nasabing dalaga ng inosente at maamong mukha, at ito ang isa sa naging pagkakahalintulad ng dalawa.
Image Credit via Google
Ang dalaga nga na ito mula sa Kapuso network na agaw-pansin ngayon dahil sa pagkakahawig umano nito kay Kapamilya actress Kathryn Bernardo ay kilala bilang ang 17-taong gulang na dalaga na nagngangalang Ayeesha Therese Daniela Cervantes.
Image Credit via Google
Ayon sa ilang ulat tungkol kay Ayeesha, una pa lamang itong madiscover ng Kapuso Network ay marami na agad ang mga proyektong ini-offer sa dalaga.
Image Credit via Google
Mula nga ng ma-discover bilang talent ng GMA-7 si Ayeesha ay marami ng mga proyekto at iba’t ibang mga role ang nagawa at ginagampanan ng dalaga, at ang nakakahanga sa kanya, ay hindi niya binibigo ang mga manonood dahil sa ipinapakita niyang galing sa pag-arte at magaling na pag-ganap sa mga karakter na ibinibigay sa kanya.
Image Credit via Google
Ilan sa mga ginampanang karakter ni Ayeesha ay si Tak ng Mulawin Versus Ravena, Leila sa Haplos, Tetay sa Kambal,Karibal at Wendy sa Super Ma’am.
Image Credit via Google
Makikita naman sa ilang mga larawan ni Ayeesha, na talagang may ilang mga anggulo ang dalaga na hawig niya si Teen Queen Kathryn Bernardo.



Marami naman sa mga tagahanga ni Ayeesha, ang nag-aabang pa sa kung ano pa ang mararating dalaga sa industriya ng showbiz at sa kung ano pa ang galing at talento na kaya nitong ipakita bilang isang artista.
Image Credit via Google
Ang pagkakahawig naman na ito ng dalawang aktres mula sa magkaibang network, ay patunay lamang na ang isang tao ay maaring magkaroon ng kahawig saan mang panig ng mundo o sa magkaiba ang henerasyon ito ipinanganak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *