Kilalanin Si Camille Garcia Ang Panganay Isa Sa Magagandang Anak Ni Robin Padilla

Batid ng marami sa atin na ang kilala at popular na action star na si Robin Padilla ay bukas sa publiko pagdating sa kanyang buhay pamilya, at maging sa kanyang mga anak.




Ngunit may ilan pa rin sa mga anak ng aktor ang hindi natin nasisilayan sa publiko, at isa na nga rito ay ang kanyang napakagandang panganay na anak na babae na si Camille Garcia.

Si Camille Garcia ay anak ni Robin Padilla sa dating aktres na Leah Orosa. Ang dalawa ay nagkakilala at nagkapalit ng sila ay magsama sa pelikulang “Sa Diyos Lang Ako Susuko” noong taong 90’s.

Image Credit via Google

Datapwa’t isang anak ng sikat at kilalang aktor, ay nagawa ng dalagang si Camille na manirahan na malayo sa kinang at usapin sa showbiz. Lumaki ang panganay na anak ni Robin Padilla sa piling ng ina nitong si Leah Orosa, sa bansang Amerika. May sarili na ring pamilya ang ina nito sa asawa nito ngayon na si Antonio Garcia.

Image Credit via Google

Ayon sa mga ulat ay apat ang half-siblings ni Camille sa parte ng kanyang ina. Kung sisilipin ang Instagram account ng dalaga ay makikitang, nag-aaral ito ngayon ng Master’s Degree sa kanyang kursong Data Science kung saan ay ama niya umanong si Robin ang tumulong at nag-encourage sa kanya na kumuha ng kursong ito.

Image Credit via Google

Makikita rin sa Instagram account nito na nagtatrabaho ngayon ang dalaga bilang isang digital marketing manager. Samantala, kahit pa nga ba ang nga magulang ni Camille na sina Robin at Leah ay may kanya-kanya ng pamilya.

Image Credit via Google

Ay masaya ang dalaga dahil mabubuti ang mga nakapareha sa buhay ng kanyang mga magulang at nanatiling malapit ang pamilya ng mga ito sa isa’t isa. Malapit din ang dalaga kay Mariel Padilla, ang asawa ngayon ng kanyang ama. Ayon pa nga kay Camille, si Mariel ay ang kanyang second gorgeous mom.

Image Credit via Google

Ayon pa sa ulat ng ilang artikulo, mahilig ang dalagang anak ni Robin sa pag-aalaga ng mga aso, kaya naman isa sa mga negosyong pinundar nila ng kanyang ina noong taong August 2018 ay ang dog parenting business na Doggo Gadgets, kung saan ang kanyang inang si Lea ang tumayong Schutzhund trainer.




Tulad ng kanyang ama at ina, ay masasabi ngang namana ng dalagang si Camille sa kanyang mga magulang ang karismang taglay ng mga ito. Makikita sa mga larawan ng dalaga na talaga namang napakaganda nito.

Image Credit via Google

at kung gugustuhin nito ay talagang may abilidad ito na maging isang artista tulad ng kanyang mga magulang. Sa mga nag-aabang naman kung dalaga pa ang anak na ito ni Robin, ay masasabi nating dalaga pa siya ngunit taken na dahil in a relationship na si Camille sa kanyang boyfriend na kinilalang si Uzair Saeed.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *