Kilalanin Si Chelsey Singson Ang Napakagandang Anak Ni Chavit Singson

Isang magaling na negosyante at pulitiko, yan ang pagkakakilala ng marami sa 77-taong gulang na si Chavit Singson o mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Luis Crisologo Singson.




Kilala rin siya bilang naging Deputy National Security Adviser ng Gobyerno ng Pilipinas noong taong 2008. Siya rin ay naging Gobernador noon ng Ilocos Sur.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Matatandaan rin na mas nakilala pa si Chavit Singson sa kanyang conglomerate na LCS Group of Company.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Maituturing nga na isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas si Chavit Singson, ngunit hindi nga lamang sa mga materyal na bagay masasabing mayaman ito dahil isa rin sa itinuturing nitong yaman ay ang pagkakaroon nito ng isang napakagandang anak na babae.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Si Chelsey Singson, ang kabigha-bighaning anak ni Chavit Singson. Ayon sa ilang mga ulat, si Chelsey ang nagmamay-ari ng GoSport Philippines at isa rin siyang miyembro ng Colourette Clique. Maliban pa nga rito ay kilala rin siya bilang Ambassadress ng The Skin Bureau.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Kung bibisitahin naman ang Instagram account ni Chelsey, makikita rito na mayroon itong 34.1 libong mga followers. Dito rin makikita ang ilan sa mga kamangha-manghang paglalakbay ng dalaga at ang kanyang mga nakakabighani ang mga larawan.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Ang kanyang social media account naman , ay wala gaanong mga updated post ngunit dito ay may makikita ang 62 na kanyang mga larawan, kung saan makikita sa mga larawang ito ang hilig niya sa mga motorsiklo at ang kanyang mga nakakahumaling na larawan na talaga namang kitang kita ang kanyang ganda at kaseksihan.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Ayon naman sa ilang ulat na isinulat tungkol kay Chelsey, ay mayroon pala itong gwapong anak na lalaki na nagngangalang Matteo at ang ama umano nito ay si Rafael Sison. Makikita rin sa ilang larawan sa kanyang social media account, ang mga larawan nila ng kanyang anak at kung gaano niya ito kamahal.




Tunay nga namang isang magandang dilag ang anak na dalaga ni Chavit Singson na si Chelsey, at masasabi nga naman natin na napakaswerte ng dalaga dahil halos lahat ng pinapangarap ng marami ay nasa buhay na niya.

Photo Credit: chelseysingson/Instagram

Ngunit alalahanin pa rin natin na mas mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng isang pamilya, at mahalin ang mga ito higit sa anumang materyal na bagay sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *