Kilalanin Si Deanna Wong Ang Napakagandang Volleyball Star Ngayon

Pagdating sa usapang sports, ang volleyball ang isa sa mga kinahuhumalingan ng mga Pinoy. Marami na nga tayong manlalaro sa larangan na ito na talaga namang naging kilala at sikat sa ating bansa, kagaya na nga lamang ni Alyssa Valdez, Dennise Michelle Lazaro at marami pa ngang iba.




Samantala, mayroon naman nga ngayon na volleyball player na talaga namang pinag-uusapan at hinahangaan ng marami, at ito nga ay ang cebuana na si Deanna Wong na kilala bilang dating miyembro ng Atebeo Lady Eagles at ngayon nga ay kabilang sa kupunan ng Choco Mucho.

Photo Credit: deannawongst/Instagram

Tila naman talagang ibang lebel ang kasikatan ni Deanna, sapagkat talagang siya ay dinarayo at sinusubaybayan ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Photo Credit: deannawongst/Instagram

Ayon sa lumabas na ulat, noong ika-15 ng Abri sa pagunita ng Good Friday, ay nagbahagi ang in ani Deanna na si Judin Alvizo-Wong sa Instagram nito ng isang video, kung saan ay makikita ang napakaraming mga tao sa labas ng kanilang gate. Paglalahad nga ng ina ng volleyball player, ang mga tao na ito ay mga fans ng kanyang anak, na nag-aabang, at ang iba nga sa mga ito ay mula pa sa Visayas at Mindanao.

Photo Credit: deannawongst/Instagram

“Unsaon namug gawas pag adto sa simbahan kung ing ani kadaghan nag atang pirmi sa gate?Ang uban gikan pag mindanao ug other parts of the visayas.. uban alas sais pa sa buntag.”, ang naging caption nga ng ina ni Deanna sa video na ibinahagi niya.

Photo Credit: deannawongst/Instagram

Kung ita-translate nga sa tagalog ang saad ng ina ni Deanna ay ganito ang nilalaman, “Paano tayo makakalabas para pumunta sa simbahan kung ganito karaming tao ang laging nakaabang sa gate? “Yung iba, taga-Mindanao at iba pang parte ng Visayas. At alas sais pa ng umaga.”

Photo Credit: deannawongst/Instagram

Ayon nga sa ina ni Deanna, halos hindi nila maisip kung paano sila lalabas ng kanilang tahanan para magtungo sa simbahan, ito ay dahil sa sobra ngang dami ng fans ng kanyang anak na nakaabang sa gate.

Photo Credit: deannawongst/Instagram

Dahil sa kasikatan na ito ni Deanna, ay marami nga ang nagtatanong kung sino nga ba ang dalaga, at bakit siya ay sikat na sikat at hinahangaan ng marami.Para sa kaalaman ng lahat ang 24-taong gulang na si Deanna Wong ay isang manlalaro ng Choco Mucho, ang kanyang karera sa volleyball ay nagsimula noong siya nga ay mag-aral ng kolehiyo sa Ateneo de Manila University (ADMU) kung saan siya kumuha ng kursong AB Interdisciplinary Studies.

Taong 2015 buwan ng Marso ng mapili si Deanna bilang bahagi ng collegiate varsity senior women’s volleyball team ng Ateneo, at taong 2016 naman ng opisyal siyang naglaro bilang rookie. Sa angking husay ni Deanna sa volleyball ay naging libero siya ng Ateneo Eagles sa UAAP (University Athletic Association of the Philippines) women’s volleyball tournament Season 79 at naging setter naman siya pagdating ng UAAP Season 80, kung saan sa pagtatapos nga ng nasabing tournament ay hinirang pa siyang Best Setter.

Nang magtapos si Deanna sa kolehiyo ay kinuha nga siya ng Choco Mucho para maging manlalaro ng kanilang kupunan sa Premier Volleyball League at dito na nga mas naging popular pa si Deanna. Sa katunayan noon ngang katatapos lamang na Premier Volleyball League Open Conference, ay fourth place lamang ang naabot ng kanilang team matapos nga silang matalo ng kupunan ng Creamline sa semifinals.




Ayon nga sa ulat, tuwing may laban ang kupunan nina Deanna sa volleyball ay talagang dinarayo ito, at marami nga ang nais na makita siya. Sa kasiktan nga ni Deanna ngayon maging ang kanyang Instagram ay mayroon na ngang 1.2 milyon na mga followers.
Samantala, dapat ay kabilang si Deanna sa maglalaro sa Philippine women’s volleyball team para sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam, ngunit hindi nga siya natuloy dahil sa pagkakaroon niya ng shin injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published.