Kilalanin Si DJ Andi9 O Si Andi Manzano Ng Magic 89.9 Na Tinaguriang May Pinakamagandang Mukha Sa Radyo

Si Andi Manzano, o mas kilala bilang si DJ Andi 9 ng Magic 89.9, ay kilala noong kanyang henerasyon bilang isa sa may pinakamaganda mukha at boses sa Radyo.



Mapapansin na ka-apelyido ni Andi ang ilan sa mga kilalang aktor sa showbiz, kung saan ay ang mga ito pala ay kanyang mga kamag-anak, tulad na lamang nga ng mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano. Maging si Gary Valenciano, ay kamag-anak rin pala niya.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Ngunit kahit pa nga ba may mga kamag-anak sa showbiz, ay gumawa pa rin ng sarili niyang pangalan si Andi, at ito ay sa larangan naman ng radyo kung saan ay nakilala at naging popular siya bilang isang VJ-host.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Matapos nga ang kanyang pagdi DJ sa Magic 89.9 noon, nasaan na nga ba si Andi Manzano ngayon? Maliban nga sa pagiging isang DJ at host, ay isa na rin palang Youtube vlogger at Instagram influencer si Andi ngayon. Mayroon na ring masayang pamilya ngayon si Andi Manzano.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Sa katunayan, sa kanyang Youtube channel at Instagram, ay proud na ibinahagi ni Andi ang bagong niya sa buhay. At ito nga ay maging housewife sa kanyang asawa, at syempre ang maging supportive mommy naman sa kanyang mga magagandang anak.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Ang naging asawa ni Andi, ay si GP Reyes, isang club owner, restaurateur at creative director ng Century Properties. Noon ngang ika-12 ng Nobyembre taong 2013 ng magpakasal ang dalawa.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Ayon nga kay Andi, ang kanyang asawang si GP ay nakilala niya dahil sa kanyang pinsan na si Luis “Lucky’ Manzano, kung saan ay matalik na kaibigan ito ni GP. Naging magkaibigan muna umano sila ni GP sa Facebook, bago nga sila nagliligawan hanggang sa nauwi na nga ang kanilang pagtitinginan sa isang engrandeng kasal.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Isinilang naman ni Andi ang kanilang unang anak ni GP noong taong 2015, kung saan ay pinangalanan nila itong Pilar Olivia. Dahil naman sa pagiging isang cute at napakagandang baby girl ni Olivia, at si emre sa kasikatan na rin ng kanyang mommy Andi ay agad itong naging usap-usapan sa social media.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Matatandaan nga na mas naging usap-usapan pa ang anak na ito ni Andi, ng magdiwang ito ng una nitong kaarawan sa The Palace Pool Club, isa sa pinakasikat na club sa Manila, kung saan ay ang kanyang Daddy GP ang nagmamay-ari nito.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Naging endorser rin si Baby Olivia ng ilang mga sikat na brand ng damit pang baby, tulad na lamang ng Uniqlo at Dunlopillo. Lumabas rin si Olivia noon sa naging commercial ng Promil sa telebisyon.
Photo Credit: andimanzano/Instagram
Ang anak rin na ito ni Andi, ang kauna-unahang pinakabatang naging cover girl ng Preview, isa sa mga pinakasikat na magazine. Nagkaroon rin ng ikalawang anak sina Andi at Gp, kung saan ay tulad ng panganay nilang si Olivia ay kinagigiliwan rin ito ngayon dahil sa taglay nitong kakyutan.



Si Corazon Amelia ang pangalawang anak ni Andi,ay isinilang noong January 2019, na kung saan bago ito isinilang ay matatandaan na nag trending pa sa social media ang ginanap na gender reveal ni Andi dahil sa talagang napaka-engrande nito.
Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin ang career ni Andi bilag radio DJ at host, abala rin ito sa kanyang Youtube channel kung saan niya madalas ibinabahagi ang kanyang mga travel vlogs, at pati na rin ang kanyang everyday life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *