Kilalanin Si Donya Tesoro Ang Napakaganda At Napakatalinong Mayor Ng Tarlac

Madalas ang mga beauty and brain na dalaga ay nasisilayan natin na ang tinatakbong karera ay pagbu-beauty queen, pagmo-modelo o di kaya naman ay pag-aartista. Kaya naman talagang hinangaan ng marami ang mala-artista sa kagandahang mayor ng San Manuel,




Tarlac na si Doňa Cresensia Reyes Tesoro sapagkat sa kabila ng angking ganda at karisma na tinataglay nito ay ang pinili nitong karera sa buhay ay ang magbigay serbisyo sa kanyang mga kababayan.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Unang pinag-usapan si Doňa Cresensia sa social media ng kumalat ang kanyang mga nag-gagandang larawan dito. At mas hinangaan pa siya dahil sa edad niyang 21-taong gulang ay talaga namang ipinakita niya ang kanyang katapangan bilang isang tagapanglingkod ng bayan.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Ayon sa mga naging ulat nagsimula ang karera ni Mayor Donya ng siya ay mag-aral sa Meriam College kung saan ay kumuha at nagtapos siya ng kursong Communication.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Maliban pa dito ay nagtapos din siya ng master’s degree sa Public Administration sa Unibersidad ng Ateneo De Manila, at ng makatapos nga ay agad siyang sumabak sa pagpasok sa pulitika sa edad niyang 21-taong gulang.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Taong 2013 hanggang taong 2016 ay naging Councilor siya ng lungsod sa Tarlac na pinaglilingkuran niya ngayon bilang Mayor.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Dahil sa kanyang magandang hangarin na patuloy na makapaglingkod sa kanyang kapwa Pilipino ay labis nga ang naging suporta sa kanya ng kanyang mga kababayan kaya naman matapos maging councilor, ay agad siyang umangat sa pagiging isang Vice Mayor noon ngang 2016 hanggang 2019.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Ayon nga kay Mayor Donya, talagang hindi niya inaasahan na agad niyang matutupad ang kanyang pangarap na makapagbigay lingkod sa kanyang mga kababayan. Dahil noon ay nangangarap lamang siya, at nag-aral nga lamang ng mabuti upang bigyang katuparan ang pinapangarap niya.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

“Nangarap lang talaga ako ng super taas noon. Studied well for the family. Worked hard for the people. Found my purpose earlier than expected. You can, too! Be strong and never underestimate the power of praying.”

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Tunay ngang kahanga hanga si Mayor Donya dahil maliban nga sa pagiging isang mahusay at mabuti nitong alkalde ng kanyang nasasakupan, ay kabigha-bighani rin ang taglay nitong kagandahan.

Photo Credit: mayordonyatesoro/Instagram

Samantala, sa kasalukyan nga ay abala pa rin ang tinaguriang “millennial mayor” sa pagpapatupad ng mga batas at programa sa kanyang nasasakupan, ito ay upang ito ay patuloy na umunlad.




Sa kabila naman ng pagiging abala ni Mayor Donya sa kanyang tungkulin, ay hindi naman niya nakakalimutan na bigyan ng oras ang sarili kung saan ay ginagawa pa rin naman niya ang mag-relaks at mag-travel na isa nga sa mga bagay na talaga namang hilig niya.

Base naman sa ilang mga ulat, sa kabila nga ng mga magagandang katangian ni Mayor Donya ay nanatili pa rin itong single hanggang sa ngayon, ito nga ay dahil sa wala pa umano itong panahon na bigyan ng pagkakataon ang mga nanliligaw sa kanya dahil sa hindi pa siya handa na pumasok sa relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *