Kilalanin Si Draco Ang Gwapong Binatang Anak Ng Aktor Na Si Ian Veneracion

Ipinanganak noong ika-7 ng Pebrero taong 1975 si Stephen Ian Lopez Veneracion o mas kilala ng publiko sa mundo ng showbiz bilang ang Spanish Filipino sportsperson, television and film actor na si Ian Veneracion. Noon ay napapanood ang nasabing aktor sa GMA Network, ngunit sa kasalukuyan at isa na ito sa mga gwapo at kinakikiligang aktor sa ABS-CBN Network.




Hindi naman maikakaila na sa edad na 42-taong gulang na ng aktor na si Ian Veneracion ay taglay pa rin nito ang kagwapuhan at kakisigan na talaga namang nagbibigay kilig pa rin sa kanyang maraming mga tagahanga. Ito rin ang dahilan kung bakit isa siya sa mga kinukunsiderang ‘most charming dads’ sa industriya ng showbiz sa Pilipinas.

Image Credit via Google

Samantala, tila naman namana ng mga anak ng aktor na si Ian Veneraion ang karisma ng kanilang ama. Dahil sa kasalukuyan, isa sa mga binatang anak ni Ian, ang hinahangaan at kinakikiligan na rin ng maraming mga kababaihan sa social media.

Image Credit via Google

Si Tristan Draco ay ang panganay sa tatlong anak ni Ian sa kanyang maybahay na si Pam Gallardo. At ngayon na ito nga ay binata na, ay kitang-kita ang taglay nitong kagwapuhan na paniguradong magpapa-ibig rin sa maraming mga kababaihan.

Image Credit via Google

Para sa kaalaman ng lahat, si Draco ay labing-walong taong gulang na ngayon, at ito nga ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ang sumunod sa kanya ay ang only daughter ng pamilya na si Deidre, 15 taong gulang at ang bunso naman ay si Buccio na 9-taong gulang.
Nag-aaral sa De La Salle University ang binatang anak ni Ian Veneracion na si Draco, kung saan ay kumukuha ito ng kursong Legal Management.

Image Credit via Google

Ayon kay Ian, ang pangalan ng panganay na anak na Tristan Draco ay naisip niya matapos niyang mapanood ang fantasy movie na “Dragon Heart” noong taong 1996.
“Ang pangalan ng dragon dun Draco, which is named after the constellation, meaning dragon. Kaya ayun”, ang naging saad noon ni Ian sa isang panayam sa kanya.

Image Credit via Google

Dagdag pa ni Ian, ang Tristan naman ay ibinigay ng kanyang asawang si Pam, na nakuha naman nito sa isang Hollywood movie na “Legends of the fall” na ipinalabas taong 1994.
“Para lang may choice daw siya kung gusto niya palitan pero ayoko sana.’

Image Credit via Google

“Sinama naming Trsitan. Pangalan ni Brad Pitt sa Legends of the Fall”, pahayag pa ni Ian.
Nito nga lamang nakaraan ay makikita ang ilang mga larawan ng mag-amang sina Ian at Draco sa Instagram, kung saan ay marami nga ang nagsasabi na magka-look-alike ang mga ito. At dahil nga sa taglay na karisma at kagwapuhan ni Draco, ay agad na nag-viral sa mga social media sites ang kanyang nag-gagwapuhang larawan.




Base naman sa ibang mga larawan ay tulad ng kanyang amang si Ian, ay mahilig din sa mga outdoor sports si Draco, kagaya ng motorbiking. Nakuha rin ni Draco ang hilig ng kanyang amang si Ian sa hiking, sailing, and snowboarding, kung saan maging ang iba pa niyag kapatid ay may sumama rin sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *