Kilalanin Si Ez Mil Ang Pinoy Rapper Na Nag-Viral Dahil Sa Kanyang Single Performance “Panalo” Na Tumalakay Sa Filipino Patriotism

Kamakailan lamang ay isang Pinoy Rapper ang muling nag-viral sa social media flatform na YouTube, ito ay matapos niyang ilabas ang kanyang single performance na pinamagatang “Panalo” na tumutukoy sa patriotism ng mga Pilipino.




Sa loob nga lamang ng tatlong araw, ay agad na umani ng mahigit 10-milyong views ang latest performance na ito ng Filipino-Caucasian rapper na si Ez Mil sa Wish USA Bus.

Image Credit via Google

Marami nga ang namangha sa taglay na husay ni Ez Mil sa pagiging isang rapper, lalo na ng marinig nila ang naging pag-awit at pag-rap nito ng live. Ang iba ngang humanga sa kanya, ay naikumpara pa siya sa pumanaw ng si Francis Magalona, ang tinaguriang Philippine King of Rap.

Image Credit via Google

Samantala, sa kabila ng maraming paghanga na natanggap ni Ez Mil dahil sa kanyang napakahusay na talento sa pagra-rap, ay mayroon namang ilang mga netizens ang hindi nagbigay ng kritisismo sa kanya, dahil sa lyrics ng kanyang kanta.

Image Credit via Google

Ngunit sa kabila ng kanyang kritisismong natamo mula sa ibang mga netizens, ay nagpapasalamat pa rin si Ez Mil para sa lahat ng taong naka-appreciate ng kanyang awitin, lalo na sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Image Credit via Google

“Let me start by saying thanks to everyone for the support, I can’t thank y’all enough for all the positive feedback I’ve been getting from each and every one of you”, saad ni Ez Mil sa kanyang naging Facebook post.

Image Credit via Google

Dahil sa pagiging viral ngayon ni Ezmil, marahil ay maraming mga netizens ang nagnanais na malaman ng patungkol sa pagkatao at buhay nito. Kung sino ng aba si Ez Mil? At kung paano siya nagsimula sa pagiging isang mahusay na rapper.




Ayon sa mga naging ulat, si Ez Mil ay si Ezekiel Miller sa totoong buhay, siya ay ipinanganak noong ika-27 ng Hulyo taong 1998 sa Olongapo City. Sa naging pagsilip sa Facebook profile ni Ez Mil ay nakasaad dito na ang binatang rapper ay nag-aral ng Architecture sa Saint Louis University sa Baguio City. Sa kasalukuyan ay naninirahan sa Las Vegas, Nevada si Ez Mil.

Image Credit via Google

Ang pagkahilig sa musika, at pagiging isang mang-aawit ay tila namana ni Ez Mil sa kanyang ama, na si Paul Sapiera, dahil sa ito’y isang guitarist at lead singer ng popular na 90’s rock banda na “Rockstar”. Ang nasabing banda ang nagpasikat ng kantang ‘Mahal Pa Rin Kita’ at ‘Parting Time.’

Image Credit via Google

Noong buwan ng Disyembre 2020, ng makapanayam si Ez Mil sa Wish USA Music, ay ibinahagi niya na ang kanyang pagkahilig sa musika ay mula sa impluwensya ng kanyang mga magulang, kung saan ay parehong aktibo ang mga ito sa rock music scene.

Image Credit via Google

“My family has been on the music scene where it started. Both my mom and my dad, mostly my dad. Some would say he’s a legend in rock scene in the Philippines.”
Pinasalamatan rin ni Ez Mil ang kanyang mga musician na magulang dahil sa inexposed siya ng mga ito sa iba’t ibang uri ng genres.

“I started getting interests in music when I learned out hip hop and R&B and all of those other genres that are not rock because it is not necessarily pushed onto me. It was like this is all different, like I’m gonna check it out myself”, saad ng ani Ez Mil.

Maliban sa pagiging isang rapper at mang-aawit ay nagsusulat rin ng kanyang sariling mga awitin si Ez Mil, kung saan ilan sa mga ito ay kanya ng inilabas sa kanyang YouTube channel na mayroon ng 297,000 na mga subsribers.

Tuwing hindi umano nag-rarap, ay ang pagtugtog ng gitara at piano naman ang kinahihiligang gawin ni Ez Mil. Sumasayaw rin umano siya, maliban sa pag-awit at pag-rap.
Noong magdaos ng kanyang ika-22 taong kaarawan si Ez Mil ay inilabas niya sa kanyang debut ang album na kanyang ginawa na mayroong titulong “Act 1”, na naglalaman ng labing-anim na mga awitin.

Ibinahagi rin ni Ez Mil na ang naging key influencer niya sa pagiging isang rapper ay si Cris Brown at 2pac.

Sa panayam nga sa kanya ni Mike Swift at ng Putting Kalabaw para sa EOW, ay sinabi ni Ez Mil kung gaano niya hinahangaan ang mga hip hop artists, at ayon nga sa kanya ng marinig niya ang mga awitin nito ay tila ito’y naging isang “rebellion from overexposure”.

Inamin naman ng nag-viral na rapper nan a-obsessed siya sa hip hop, na talagang nais niyang ibigay ang lahat ng best niya para dito. “Parang na-o-obsessed ako do’n sa something na inaasikadso ko o kinahihiligan ko.




Mamahalin ko siya to the point na full dedication. Nothing else matters other than this thing that I like.” Nagbigay naman ng mensahe si Ez Mil para sa mga Pinoy aspiring rappers;
“Focus and try to do as much as you can in terms of like how you want to make a song as you can in terms of like how you want to make a song. Keep making beats, make your own beats like strive to make your own beats. If you force yourself to go on that path, you can have so much more control.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *