Kilalanin Si Grae Fernandez Ang Gwapong Anak Ng Aktor Na Si Mark Anthony Fernandez

Kilala ng lahat ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sapagkat sa kanyang henerasyon ay isa siya sa mga sikat at magaling na artista na talagang nakitaan ng galing sa pag-arte. Ang kanyang ama ay ang pumanaw na batikang action star noon na si Rudy Fernandez at ang kanyang ina naman ay ang actress-politician na si Alma Moreno na kung saan ay namana niya sa mga ito ang kanyang galing at talento bilang isang aktor.

Photo Credit: graefernandez/Instagram




Sa kabila naman ng pagkakaroon ng mga sikat na artistang magulang ay gumawa naman ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng showbiz ang aktor na si Mark Anthony.
Mas lalo pa ngang nakilala si Mark Anthony Fernandez ng siya ay makasama sa Gwapings group na kinabibilangan nina Jomari Yllana, Eric Fructuoso, at ng nahuli na si Jao Mapa.

Photo Credit: graefernandez/Instagram

Ikinasal si Mark Anthony taong 2006 kay Melissa Garcia, ngunit ito ay hindi rin nagtagal sapagkat pagkalipas ng ilang taon ay nauwi rin ang dalawa sa hiwalayan. Kahit naman hindi naging maganda ang buhay may-asawa ni Mark ay blessings naman sa kanya na nagkaroon sila ng anak ng dati niyang asawa at ito ay sina Grae Cameron at Rudolf Venedictos.

Photo Credit: graefernandez/Instagram

Sa dalawang anak nga nina Mark Anthony at Melissa ay mayroong sumunod sa yapak ng kanyang ama, at ito ay Grae Cameron o mas kilala bilang si Grae Fernandez.

Photo Credit: graefernandez/Instagram

Si Grae Fernandez ay nasa 18-edad na at limang taon na rin siyang nasa entertainment industry. Taglay niya ang mga katangian na hawig sa kanyang ama, ang pagkakaroon ng gwapong mukha at lakas ng appeal. Sa kasalukuyan siya ay nasa Kapamilya Network, at dito ay kasama na siya sa ilang pelikula o serye ng nasabing network.

Photo Credit: graefernandez/Instagram

Ilan naman sa mga serye at palabas kung saan napanood si Grae Fernandez ay ang Wansapanataym (2014, 2017), Bagito (2015), Pangako Sayo (2015), Ikaw lang ang Iibigin (2017), tar Cinema’s “The Lover Affair” (2015) at ang iWant exclusives “Spirits: Reawaken” (2018) at “Spark” (2019).

Photo Credit: graefernandez/Instagram

Nagkaroon rrin ng pagkakataon ang mag-amang Mark Anthony Fernandez at Grae Fernandez na makasama sa seryeng “FPJ, Ang Probinsyano”. Dito ang naging katauhan ni Mark Anthony ay si “Brandon”, ang prodigal son ng Vice President Lucas Cabrera [Edu Manzano]. Si Grae naman ay lumabas dito taong 2016 ng gampanan niya ang batang role ni Paolo Avelino na so Eric “Erwin” Maniego.

Photo Credit: graefernandez/Instagram




Maliban nga sa galing at talento sa pag-arte, mahilig din si Grae Fernandez sa musika. Sa katunayan ay kabilang siya sa all-male pop music group na “Gimme 5”, at ang mga kasama niya dito ay sina Nash Aguas, Joaquin Reyes, Brace Arquiza and John Bermundo.
Ang kanilang grupo ay naparangalan na bilang ‘Most Promising Recording/Performing Group” sa 46th GMMSF Box-Office 2015.

Photo Credit: graefernandez/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *