Kilalanin Si Hashim Ang Gwapo At Nag-Iisang Kapatid Na Lalaki Ni Ivana Alawi

Isa sa pinaka popular ngayon sa mundo ng vlogging ay ang actress-vlogger na si Ivana Alawi. Ito ay dahil sa napaka ikling panahon mula ng siya’y mag-umpisa sa vlogging ay talaga namang napakarami na agad niyang followers at subscribers.



Marami nga naman ang talagang humahanga kay Ivana, ito ay dahil bukod sa seksi at maganda, ay napakabuti pa nito sa kanyang pamilya at maging sa kanyang kapwa.
Image Credit via Google
Maging ang bunsong kapatid ni Ivana na si Mona Alawi, ay nakuha na rin ang atensyon ng mga netizens, ito ay mula ng ipakilala ito ni Ivana sa isa niyang video blog at mapansin rin na tulad ni Ivana ay may taglay rin itong ganda.
Image Credit via Google
Samantala, ay marami na rin ngayon ang nakapapansin at nais makilala ang nag-iisang kapatid na lalaki nina Ivana at Mona, ito ay walang iba kundi ang gwapo nilang kuya na si Hashim na madalas nating nasisislayan sa vlog ni Ivana.
Image Credit via Google
Ngayon nga ay kikilalanin natin si Hashim, at kung ano ang personalidad na mayroon ito.
Si Hashim Alawi o kilala sa kanyang palayaw na Hash, ay isang binata at ang nag-iisang kapatid na lalaki na Ivana na may lahing Filipino-Morrocan. Siya ay nag-aral sa British School of Bahrain, at isa sa mga lenggwahe na kanyang nalalaman ay ang magsalita ng Arabic.
Image Credit via Google
Sa mga video nga nina Ivana at Mona, ay madalas na nakikita natin si Hashim, ngunit ito ay tila mahiyain. Ayon nga kana Ivana at Mona, ang kanilang kuya ay stick-to-one kung magmahal, at ngayon nga ay single ito.
Image Credit via Google
Ibinahagi rin nina Ivana, ang mga katangian ng babae na hinahanap ni Hash,a at ito nga dapat may looks, brain at personality. “….caring, some I can communicate with pretty easily. Someone who is reasonable. someone who understanding and fair.’
Image Credit via Google
Ipinagmamalaki rin ni Ivana, ang mga magagandang katangian ng kanyang kapatid, kung saan ay talaga namang magugusuhan ng mga babae rito. Saad nga ni Ivava, goodboy, hindi umiinom at hindi rin naninigarilyo ang kanyang kuya Hash.
Image Credit via Google
Minsan pa ngang nabanggit ni Ivana sa kanyang vlog, na hindi materialistic na tao ang kanyang kuya Hash, at hindi ito mahilig magpabili ng kung ano-ano lalo na kung sa tingin nito ay hindi naman ganun ka-importante sa kanya.



Maging ang mga kinatatakutan ni Hash, ay ibihagi rin ni Ivana, kung saan ayon sa kanya ay takot umano ito sa ipis. Ayon naman sa ilang mga ulat, malapit si Hash sa kanyang pamilya, at gustong-gusto umano nito ang nagta-travel kasama ang kanyang ina at mga kapatid.
Marami nga naman ang talagang nakakapansin ngayon kay Hashim, ngunit ang tanong ng ilang mga netizens, may posibilidad ba na pumasok ito sa showbiz tulad ni Ivana? O di kaya naman tumulad kay Mona, na aktibo sa social media?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *