Ang aktor na si Ricky Davao at aktres na si Jackie Lou Blanco ay kabilang sa mga personalidad sa showbiz na naging magkarelasyon noon. Ang kanilang pagsasama ay tumagal din ng halos labingtatlong taon, bago sila nagkahiwalay dalawa. Ayon sa kanila, nagdesisyon silang maging magkaibigan na lamang, matapos hindi na nga maramdaman ang spark sa pagitan ng isa’t isa.
Sina Ricky at Jackie Lou ay nagkaroon ng tatlong anak, kaya naman kahit wala na sila ay nanatili ang magandang relasyon sa kanilang dalawa bilang mga magkaibbigan.
Samantala, isa sa kanilang mga anak ngayon ang agaw-pansin sa social media dahil sa pagkakaroon nito ng mala-anghel na mukha, at ito nga ay ang kanilang anak na si Ara Davao ang pinakabunso sa kanilang mga anak.

Sa social media ng dalaga, ay makikita naman ang mga nag-gagandahan nitong mga larawan kung saan mababasa naman sa mga komento ang mga sinasabi ng mga netizens na kahawig umano ni Ara at mestiza version niya ang Kapuso actress na si Maine Mendoza.
Si Jacqueline Arabella Marie ang bunso sa tatlong naging anak nina Jackie Lou at Ricky.

Siya ay nakapagtapos sa Ateneo de Manila University noong taong 2019, at sa espesyalna araw na ito sa buhay ng dalaga ay parehong present ang kanyang mga magulang.
“I have and will always be proud of you, My Jacqueline Arabella Marie, my bunso!!!

Congratulations on your graduation! Whatever path you choose to take, always know Mama will behind you. Throughout your joys, troubles, fears and triumphs, I will always be here with you. I love you so much!!! “ ang naging caption ni Jackil Lou ng ibahagi niya sa kanyang IG post ang naging pagtatapos ng kanyang bunsong anak.

Matatandaan na minsan ng nasilayan ng publiko si Ara sa telebisyon, at ito nga ay ng minsan na maging panauhin ito sa noontime show ng Kapamilya network na “It’s Showtime”. Inakala nga ng marami na noon ay girlfriend siya ng isa sa mga host ng nasabing programa na si Ryan Bang dahil sa pagkaka-link niya rito, ngunit agad naman niyang nilinaw na magkaibigan lamang sila ng Korean host.

Si Jacky Lou Blanco ay isa sa mga aktres sa showbiz na ngayon ay 56-taong gulang na. Pero sa kabila ng tumatanda nitong anak, ay hindi naman mapaghahalata dahil sa pagigng fit niya sa kanyang katawan dahil sa pangangalaga niya riro sa pamamagitan ng pag-gym at pag-workout. Dahil sa tila mas lalo nga siyang bumabata, ay mas lalo pa siyang nagiging motivated sa pag-eehersisyo.