Kilalanin Si Jana Roxas Ang Simple Ngunit Napakagandang Kasintahan Ng Aktor Na Si EJ Falcon

Marami sa atin ang talagang hindi mapigilan ang paghanga sa mga artista sa industriya ng showbiz. Ang iba pang nga sa atin ay talagang sinusubaybayan pa ang buhay ng kanilang mga iniidolong artista ito man ay maliit o malaking kaganapan sa buhay ng mga ito.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram




Kaya naman ang mga personalidad na nasa industriya ng showbiz ay tunay nga na parang isang bukas na libro sa publiko ang kanilang pamumuhay, dahil bawat detalye sa kanilang buhay ay sinusubaybayan ng kanilang mga tagahanga.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram

 

May mga pagkakataon pa nga na mas nauna pang maka -alam ang mga tagahanga kaysa sa iniidolo nila, o kaya naman ay mas nauuna pa silang ibalita ang pangyayari sa idolo nila kesa ito ang mga anunsyo nito.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram

Sa mga balita at pahayagan lagi tayong nakakakuha ng mga kaalaman tungkol sa buhay ng ating mga iniidolong artista. Isa na sa mga ito ang buhay ng binatang aktor na si EJ Falcon.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram

Alam niyo na ba na may bumihag na sa puso ng binatang aktor? at kilala niyo na ba kung sino ang babaeng ito? Kilalanin natin ang babaeng bumihag sa puso ng 29-taong gulang na Kapamilya Actor/Model, at ang babaeng binabanggit ay walang iba kundi nagngangalang Jana Roxas.

Photo Credit: ejaythefalcon/Instagram

Para sa kaalaman ng nakararami, si Jana Roxas ay dating contestant ng GMA reality talent competition na STARSTRUCK. Isang simpleng dalaga ngunit nagtataglay ng kagandahan ang dalagang ito na bumihag sa puso ng aktor na si EJ Falcon.

Makikita sa mga larawan ng dalawa ang pagiging sweet na sweet nila sa isa’t isa, kaya naman talagang sa kabila ng pagiging busy ni EJ sa kanyang mga proyekto ay napapanatili ng magkasintahan ang pagiging matatag ng kanilang relasyon. Ngunit Paano nga ba nagkakilala ang magkasintahan?

Nagkakilala umano ang magkasintahan sa isang house warming event, ng ang batang aktor na si EJ Falcon ay nakatanggap ng isang imbitasyon na dumalo sa isang pagdiriwang na gaganapin sa Pansol Laguna at iyon pala ay sa bahay ni Jana.




Sa isang panayam sa binatang aktor sa “Tonight with Boy Abunda” ay inihayag ng aktor na para sa kanya ang kanyang kasintahan na si Jana ay ang kanyang soulmate o ang taong inilaan na talaga para sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *