Kilalanin Si Jkhriez Pastrana Ang Talentadong Anak Ng Goin Bulilit Host-Comedian Na Si Dagul

Si Romy Pastrana o mas kilala bilang si Dagul na host ng Goin Bulilit at isa ring komedyante ay mayroong apat na anak, isang babae at tatlong lalaki. Ang kanyang naging asawa ay isang non-showbiz personality.




Batid natin na si Dagul ay may kondisyon na kung tawagin ay “dwarfism”, sila yung mga taong ipinanganak na ang tanging taas lamang ay umaabot ng 4ft kahit na sila ay matanda na, at ito nga ay namamana,, base sa ulat ng website ng MayoClinic. At sa apat na mga anak ni Dagul, ay mayroong isa na nagmana sa kanya ng kundisyon niya.

Image Credit via Google

Ang tatlong anak na lalaki ni Dagul ay normal ang taas, ngunit ang nag-iisa niyang anak na babae na si Jkhriez Pastrana na 17-taong na ngayon, ay naman ang kanyang kondisyong dwarfism.

Image Credit via Google

Dahil sa namana niyang kundisyon sa ama ay hindi naiwasan ni Jkhriez na makaranas ng matinding pambu-bully noong siya ay nasa grade school, at ang ilan nga sa ito ay talagang below the belt na.

Image Credit via Google

“Pag nakita daw niya or nakaaway nila ako hindi daw ako makakalaban kasi isang sipa lang naman daw nila sa akin, tutumba na ako. Si naisip ko, hindi ba nila nagegets yung sitwasyon ko”, ani Jkhriez.

Image Credit via Google

Para naman sa dalagang anak ni Dagul, ay wala siyang kailangang ikahiya sa kanyang kundsiyon, bagkus ay proud siya sa kanyang sarili, dahil ginagawa din niya ang mga bagay na kayang gawin ng isang tao na may normal na kondisyon.

Image Credit via Google

Dahil sa nag-iisang babae siya sa kanilang magkakapatid ay ginagawa siyang prinsesa ng mga ito, ngunit hindi naman umano iba ang naging trato sa kanya ng kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Samantala, isa umano sa mga hilig ni Jkhriez ay ang pagkanta, at may talento siya pagdating sa pag-awit. Noon nga umanong 1-taong gulang pa lamang siya ay nadiskubre na ng kanyang ina na may talento siya sa pagkanta, at magmula ng noon ay ikakasal na siya nito sa mga singing contest. Paminsan-minsan pa nga ay iniimbitahan rin si Jkhriez sa mga events at fiesta sa barangay, dahil sa husay niya kumanta.

Image Credit via Google




Hindi nga lamang ang husay niya sa pagkanta ang maipagmamalaki ni Jkhriez, dahil achiever din siya sa kanilang paaralan. Noon ngang grade 6 siya ay nakuha niya ang pang 6th honor sa kanilang klase.

Ayon kay Jkhriez ay isang inspirasyon sa kanya ang ama niya, kaya naman ng magkaroon ng Star Hunt audition ang ABS-CBN ay nag-audition siya at nakapasa siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *