Kilalanin Si Kathleen Hermosa Ang Nakatatandang Kapatid Ni Kristine Hermosa

Isa sa mga aktres sa showbiz na talaga namang ang angking kagandahan ay hindi pinagsasawaan at labis na hinahangaan ay ang napakagandang si Kristine Hermosa. Mula noong kanyang kabataan, hanggang ngayon na siya ay mayroon ng asawa’t mga anak, ay wala naman talagang kupas ang gandang taglay niya.




Maliban sa mala-dyosang kagandahan na taglay ni Kristine, ay marami din ang hinahangaan siya dahil sa kanyang husay bilang isang aktres na ipinamalas niya ng maraming beses sa mga teleserye at pelikula na kanyang ginawa.

Image Credit via Instagram

Hindi nga lamang si Kristine sa pamilya nila ang nasa mundo ng showbiz, dahil bago pa man siya madiskubre at mapasok sa pag-aartista, ay una ng nag-audition ang kanyang nakatatandang kapatid na si Kathleen Hermosa sa isang palabas noon ng ABS-CBN.
Tulad ni Kristine ay nagtataglay din ng mala-dyosang kagandahan ang kanyang ate na si Kathleen, sa katunayan pa ay napabilang ito noong taong 2010 sa FHM’s top 100 Sexiest Woman in the World.

Image Credit via Instagram

Kilala ring aktres sa industriya ng showbiz si Kathleen, ilan sa mga ABS-CBN teleserye na kanyang kinabilangan ay ang Hon𝔢sto (2013), Nathaniel, FPJ’s Ang Probinsyano bilang Teresa ‘Tere’ de Vela, Doble Kara bilang Andrea, The Good Son bilang Emma Castillo, St𝔞rla bilang Frida at madami pang iba.

Image Credit via Instagram

Akala ng marami noon ay mas matanda si Kristine kay Kathleen, ngunit ang tunay nga ay dalawang taon ang tanda ni Kathleen kay Kristine. Sa kasalukuyan ay pareho ng may kanya-kanyang pamilya sina Kristine at Kathleen Hermosa, ngunit kahit bihira na nga magkita ang magkapatid, ay ibinahagi noon ni Kristine na sobrang malapit pa rin sila sa isa’t isa ng kanyang nakatatandang kapatid.

Image Credit via Instagram

Noon ngang magdiwang si Kathleen ng kaarawan nito, ay isang matamis na mensahe ang ibinahagi ni Kristine para sa kanyang ate, na naglalaman ng pagbati niya rito at kahilingan niya para sa buhay nito. “To my Ate, you are beautiful. We may not always see eye to eye just l𝔦ke any other sisters but I hope you know how much we, your family only want G𝔬d’s best for you.”

“I am grateful for having you in my l𝔦fe. Thank you for loving my ch𝔦ldren and for being a cl𝔦ngy Tita to them, they all l𝔬ve you — May you always find j𝔬y, wisd𝔬m and c𝔬ntentment in G𝔬d.” “And when the time comes that we may need to go separate ways, I hope you will always choose to be led by the H𝔬ly Sp𝔦rit and I hope that you won’t forget us. We l𝔬ve you, Ate. Always pray𝔦ng and bel𝔦eving with you. Happy b𝔦rthday!”




Sina Kathleen at Kristine ay mayroon pang dalawang nakabab𝔞tang kapatid, na sina Joshua Miguel at Maxine pero mas pinili nila ang prib𝔞dong buh𝔞y na malayo sa maing𝔞y na mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *