Kilalanin Si Kim Molina Ang Actress-Singer Na Bumihag Sa Puso Ng Komedyanteng Si Jerald Napoles

Si Jerald Napoles, ay isa sa mga komedyanteng aktor ngayon na nagsisimula ng mamukadkad ang magandang karera sa showbiz. Ngunit, bago pa man magbukas sa binata ang mga oportunidad sa telebisyon, ay una muna siyang kilala bilang isang comedian-theater actor, ng magkaroon siya ng ‘role’ sa musical stage ng Rak of Aegis.




Ang kanyang unang naging palabas sa telebisyon ay ng mapabilang siya sa ‘Sunday Pinasaya’, ang weekend variety show ng GMA network na mapapanood tuwing tanghali kapag araw ng Linggo.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Hindi naman nagtagal, ay naging parte siya ng VIVA Entertainment, nagkaroon din siya ng pagkakataon na mapabilang sa ilang mga serye ng GMA-7.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Lumipat naman siya sa AbS-CBN, at ngayon nga ay isa na siyang Kapamilya.
Isa siya sa mga guest characters sa Kapamilya series na “FPJ, Ang Probinsyano”, na pinagbibidahan naman ng aktor na si Coco Martin.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Samantala, hindi nga lamang ang career ni Gerald ngayon ang unti-unti ng namumukadkad, dahil maliban sa karera ay makulay at maganda rin ang love life ng komedyante.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Marami sa atin ang nakababatid na in a relationship siya sa singer-actress na si Kim Molina, kung saan ang nasabing singer nga, ang siyang bumuhay at nag papatibok ngayon sa puso ni Jerald Napoles.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Unang nagtagpo ang landas nina Gerald at Kim sa musical stage ng Rak of Aegis, dahil sa nagkaroon ng pagkakataon na magkatambal sila dito.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

At dito na nga sila nagkakilala. Bago pa mauwi sa isang seryoso at masayang relasyon ang kanilang samahan, ay nagsimula muna umano ang lahat sa biruan at tuksuhan. Noong una nga ay mag-bestfriend lamang ang dalawa, at hindi nga nagtagal ay magkahulugan na sila ng loob hanggang sa nagka-ibigan.

Photo Credit: kimsmolina/Instagram

Mula ng maging magkarelasyon ay nakilala ang dalawa sa kanilang tambalang KimErald.
Para naman sa komedyanteng si Jerald, ay masasabi niyang “walang sawa factor” ang relasyon nila ni Kim, ito ay dahil habang tumatagal ay mas magiging masaya sila sa isa’t isa at mas magiging matatag ang kanilang relasyon.

Sa mga hindi nga masyadong nakikilala si Kim Molina, ay narito ang ilang detalye tungkol sa kanya. Si Kim Molina, ay isa na rin sa mga singer-actress ngayon na nakilala na sa mundo ng Philippine showbiz industry. Siya ay lumaki sa bansang Saudi Arabia, at doon rin siya nagtapos ng kanyang pag-aaral.

Mula siya sa isang nakaangat na pamilya. Ang kanyang mga magulang ay naninirahan sa nasabing bansa, dahil naroon nagtatrabaho bilang isang dentista ang kanyang ama.
Nakapagtapos si Kim Molina ng kanyang pag-aaral sa Al Majd International School, Dammam.

5-taong gulang pa lamang si Kim ay nag-pe-perform na siya sa Middle East, kaya naman talagang nasa na ang kanyang boses, kaya naman kung nakikita nga natin siya ngayon sa telebisyon,




o kahit sa kanyang mga social media tulad ng YouTube at TikTox, ay masasaksihan natin ang kanyang husay sa pagiging isang mang-aawit Nagwagi rin si Kim sa isa sa mga singing contest para sa mga Pinoy sa Middle East, at ito nga ay ang The Filipino Channel (TFC) Pop Star.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *