Kilalanin Si Magui Ford Ang Napakagandang Anak Ni Karla Estrada

Isa sa mga kilala natin na anak ng isa sa “Magandang Buhay” host na si Momshie Karla Estrada ay ang Teen King actor na si Daniel Padilla na talagang kinakikiligan at hinahangaan ng marami dahil sa angking kagwapuhan nito.

Photo Credit: magsford/Instagram




Ngunit alam niyo ba na maliban sa pagkakaroon ng gwapong anak na katulad ni Daniel, ay may napakagandang anak na dilag din itong si Momshie Karla.
Si Margaret Ford Planas o Magui ay ang younger half-sister ni Daniel Padilla. Siya ay anak ni Momshie Karla Estrada sa kanyang nakarelasyon noon na si Quezon City Councilor Mike Planas.

Photo Credit: magsford/Instagram

Hindi man isang celebrity si Magui na tulad ng kanyang half-brother na si Daniel, nagsisimula na rin siyang gumawa ng kanyang sariling pangalan sa social media dahil sa pagkakaroon niya ng napakagandang mukha.

Photo Credit: magsford/Instagram

Nagtapos noong May 2018 sa kanyang highschool si Magui. Dahil sa taglay na kagandahan hindi kataka-taka na marami ang humahanga sa kanya sa social media. Siya ay may pagka-mestiza na tulad ng kanyang ina at may pagkakahawig din siya sa kanyang ama.

Photo Credit: magsford/Instagram

Kahit bata pa lamang ay mahilig na magtravel si Magui, kaya naman ilang bansa na rin ang kanyang napuntahan tulad ng South Korea dahil mahilig siya sa mga palabas na Koreanovela. Nakarating na rin siya sa Osaka, Japan ng magbakasyon silang mag pamilya roon.

Photo Credit: magsford/Instagram

Maging ang Thailand ay binisita na rin ni Magui upang mamasyal, at sa Colorado U.S.A na napaka lamig ay nakapunta na rin siya.

Photo Credit: magsford/Instagram

May ilang kaibigan din si Magui na mga anak ng mga artista, katulad na lamang ni Cassy Legaspi. Kaibigan din niya ang nag-iisang anak ni Richard Gomez at Lucy Torres.

Photo Credit: magsford/Instagram

Hindi naman maitatanggi ang gandang natural na mayroon si Magui, sapagkat kung wala siyang make up o kahit nga naka wacky face pa siya ay lumilitaw pa rin ang kanyang ganda na kung saan ay pwede siyang maging future beauty queen dahil sa angking ganda na mayroon ang dalaga.

Noong February 28, ganap na ngang dalaga si Magui sapagkat siya ay nagdiwang ng kanyang ika-18 birthday. Nagbigay na naman ng mensahe si Momshie Karla para sa kanyang anak na dalaga, “Thank you anak, for always making me proud.”

Isang mapagmahal na anak si Magui sa kanyang mga magulang at napaka supportive din niyang kapatid, kaya namang talagang marami ang nagmamahal sa kanya.

Ipinagdiwang ang grand debut party ni Magui isang araw bago ang takdang-araw ng kanyang kaarawan, na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya at mga kaibigan.




Ilan sa mga bisitang naroon ay si Jackie Forster, kasama ang anak nito na si Kobe Paras.
Naging isa naman sa mga nag sayaw ni Magui sa kanyang 18-Roses dance ang kanyang kuya na si Daniel Padilla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *