Kilalanin Si Maricel Tulfo Napaka Gandang Anak Ng Sikat Na Si Idol Raffy Tulfo

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa beteranong journalist na si Raffy Tulfo? Masasabi natin na isa siya sa mga popular na journalist ngayon, hindi lang sa telebisyon kundi maging sa online world tulad ng Youtube.



Nakilala si Raffy Tulfo bilang isang magaling na journalist, at ngayon maliban sa pagiging journalist ay kilala na rin siya na isang taong handang magbigay ng tulong para sa mas nangangailangan.
Photo Credit: martulfo/Instagram
Ilang mga tao na nga ang kanyang natulungan sa kanilang programang Tulfo in Action, kung saan ay maraming mga tao ang lumalapit sa programang ito upang humingi ng tulong, lalo pagdating sa kani-kanilang mga pinagdadaanan problema na hindi na alam kung paano pa mareresolba.
Photo Credit: martulfo/Instagram
Tunay nga naman na maraming tao ang siya’y hinahangaan at ipinagmamalaki dahil sa kanyang pagiging isang mabuti at matulunging journalist. Unang una nga sa mga taong ito na proud sa kanyang ginagawa ay ang kanyang asawa at bunsong anak na lalaki na si Ralph Tulfo.
Photo Credit: martulfo/Instagram
Isa naman sa talagang nakakakilala pa kay Raffy Tulfo at talagang malapit sa kanya ay ang kanyang panganay na anak na si Maricel Tulfo.
Photo Credit: martulfo/Instagram
Para sa anak ni Raffy Tulfo na si Maricel, ay talaga namang napakabuting tao ng kanyang ama, hindi lang sa ibang tao kundi mas lalo na sa kanila na pamilya nito. Ayon pa nga kay Maricel, isang cool na ama si Raffy, sapagkat lahat ng kanyang mga nais ikwento rito ay talagang pinakikinggan nito, kahit pa nga ba ang kanyang lovelife.
Photo Credit: martulfo/Instagram
Ibinahagi rin ng panganay na anak ni Raffy Tulfo, na masasabi niyang siya ay isang Daddy’s girl, kaya naman talagang malapit siya sa kanyang ama.
Photo Credit: martulfo/Instagram



Kwento pa nga ni Maricel, isa sa mga itinuturing niyang pinakamasayang naging bonding moments nila ng kanyang ama ay ng nagbabakasyon sila abroad. Ano ang masasabi niyo sa artikulong ito? Isa rin ba kayo sa mga anak na malapit sa kanilang mga ama?
Photo Credit: martulfo/Instagram

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *