Kilalanin Si Marimonte Shanelle Viduya Revillame Ang Napakagandang Pangalawang Anak Na Babae Ni Willie Revillame

Kilala ang popular na host na si Willie Revillame, bilang isang chick-magnet dahil sa taglay niyang karisma na talaga namang nakakakuha ng pansin ng mga kababaihan.



Kaya naman hindi na katakataka na ialn ding mga kababaihan ang nakarelasyon niya. Marami sa atin ang nakaka-alam na isa sa mga anak ni Willie Revillame, ay ang aktres na si Meryll Soriano.
Image Credit via Google
Ngunit alam niyo ba na maliban kay Merylle, ay may isa pang napakagandang anak si Willie? At ito ay ang pangalawa niyang anak na babae, at ang ina nito ay ang kanyang non-showbiz ex-girlfriend.
Image Credit via Google
Agaw pansin ngayon sa online world ang mga larawan ng napakagandang anak ni Willie sa dati niyang nakarelasyon na si Sharon Viduya, at ito nga ay ang anak niyang si Marimonte Shanelle Video Revillame. Hindi tulad ng kanyang ama at eldest step-sister, hindi naman nabibilang sa industriya ng showbiz si Marimonte Shanelle.
Image Credit via Google
Ngunit kahit pa nga saw ala sa industriya ng showbiz ang dalaga, ay makikita sa social media account nito ang mga larawan kung saan ay nakakasama niya ang kanyang ama at step-sister na si Meryll .
Image Credit via Google
Makikita rin sa mga larawan ni Marimonte Shanelle, ang taglay niyang ganda at karisma na talaga namang nakakahanga. Sa mga netizens na hindi pa kailan man narinig ang pangalan ni Marimonte, ay nabanggit na ito noon pa man ni Kuya Wil.
Image Credit via Google
Matatandaan noong taong 2007, ng nasa now-defunct ABS-CBN television show na “Wowowee” pa si Willie ay ibinunyag nito sa publiko ang tungkol kay Marimonte. At ng mga panahong iyon, ay tatlong taon pa lamang ang dalaga, at marami rin sa mga televiewers ang nabigla sa ibinunyag ni Kuya Wil.
Image Credit via Google
Kahit pa nga ba bihirang makasama ang anak, hindi naman hinayaan ni Willie na maramdaman ng anak na dalaga na malayo ito sa kanya, kaya naman binigyan niya ito ng oras at panahon na makasama sa isang bakasyon.



Maliban pa nga rito, kahit pa ng aba maghalf-sister lamang sina Mont at Merylle, ay hindi naman ito naging hadlang upang hindi maging malapit sa isa’t isa ang dalawa. Makikita nga sa ibang mga larawan, na magkasama ang dalawa at kitang kita ang kanyang pagiging malapit sa isa’t-isa.
Samantala, makikita naman sa mga larawan ni Marimonte Shanelle na tulad ng kanyang ama at step-sister na si Merylle ay nagtataglay rin ito ng karisma at anumang panahon kung gugustuhin nito ay maari rin itong mag-artista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *