Kilalanin Si Michela Cazzola Ang Napakaganda At Italyanang Asawa Ni James Yap

Si James Yap, ay isa sa mga sikat at hinahangaang PBA Basketball Player sa Pilipinas. Marami sa atin ng nakababatid na ang pagiging isang magaling niyang manlalaro bilang isang basketbolista ang nagbigay ng kulay sa kanyang karera.



Pagdating naman sa buhay pag-ibig ni James, ay hindi naman naging lihim sa marami niyang mga tagahanga, na minsan na itong dumaan sa kontrobersyal.
Photo Credit: michelacazzola/Instagram
Samantala, kahit pa naging kontrobersyal ang buhay pag-ibig noon ng basketbolista, sa naging pagdaan ng mga taon ay natagpuan naman ni James ang tunay na nagpapasaya sa kanyang puso at magbibigay ng kulay sa pinapangarap niyang masayang pamilya.
Photo Credit: michelacazzola/Instagram
Ang Italyang si Michela Cazzola, ang babaeng nagbigay kulay sa buhay pag-ibig ni James Yap. Ipinanganak noong Ika-23 ng Oktubre taong 1983, at kilala bilang isang Instagram star.
Hindi nga naman kataka-taka na nabighani si James Yap kay Michella, dahil talaga namang napakaganda nito, at ayon nga sa basketbolista ay napakabuti nito.
Photo Credit: michelacazzola/Instagram
Sa ngayon ay mayroon na ngang dalawang anak si James kay Mich ela. Ang panganay nilang anak, ay ipinanganak noong Agosto 2016, at ang pangalawa naman ay ipinanganak noong june 2018.
Photo Credit: michelacazzola/Instagram
Paminsan-minsan nga ay naging usapin si Michela, sa social media, ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon nito ng dalawa ng anak, ay hindi pa rin kumukupas ang angking kaseksihan at kagandahan nito.
Photo Credit: michelacazzola/Instagram
Matatandaan nga na noong manganak si Michela sa pangalawang anak nila ni James, ay halos limang buwan lamang ang lumipas ay naibalik na agad niya ang kanyang dating seksing pangangatawan.
Photo Credit: michelacazzola/Instagram
Makikita nga sa mga larawan ni Michela, noong nagpunta sila sa El Nido, Palawan upang magbakasyon na tila hindi ito nanganak, dahil sa napaka-flat na muli ng tiyan nito at tila walang bakas ng anuman na galing ito sa pagbubuntis at panganganak.
Ilan pa ngang mga larawan ni Michela sa kanyang Instagram account ang makapagpapatunay, kung gaano ito kahalaga ang kanyang pangangatawan dahil sa kabila ng pagiging isa na niyang mommy ay napaka-hot pa rin nito.



Masasabi nga natin, na talagang napakaswerte ni James Yap sa kanyang partner ngayon na si Michela, dahil maliban sa pagiging mabuting asawa nito, ay talaga namang napakaganda at seksi pa.
Sa ngayon ay masaya ang pamilya ni James at Michela sa kanilang buhay pamilya. At sa new normal na sitwasyon natin ngayon saan mang panig ng mundo, ay nasa bansang Italya naman muna namalagi ang mag-anak ng basketbolista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *