Kilalanin Si Miguel Cruz Ang Partner Sa Buhay At Ama Ng Anak Ng Aktres Na Si Ryza Cenon

Kamakailan lamang ay nagbahagi ang aktres na si Ryza Cenon ng larawan nila ng kanyang partner na si Miguel Cruz. Ang larawan nga nilang ito ay kinunan sa isang mataas na lugar kung saan ay tanaw ang magandang luntiang tanawin.




Kalakip ng larawan ay ang naging pagbati ng aktres kay Miguel, kung saan ay pinasalamatan niya ito sa lahat ng ginagawa nito para sa kanilang pamilya at ang kahilingan na lagi lamang itong maging ligtas at malakas sa araw-araw nitong buhay.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“To my partner in crim3 @miguel.antonio.cruz Happy Birthday and Happy Anniversary. Thank you for everything that you have done for us. Please stay healthy and safe, especially at work. We love you dada. “

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Base sa naging caption ni Ryza, kasabay ng kaarawan ni Miguel ay ang anibersaryo rin nila. Makikita naman sa mga komento ang naging sagot ni Miguel sa post na ito ng aktres, kung saan ay binati niya rin ito.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

“Thank you mommy!!! Happy anniversary. [red heart emoji]”
Labis naman ang kasiyahan ni Miguel ngayon sa kanyang kaarawan, dahil maliban sa asawa niyang si Ryza Cenon ay kasama na rin nila sa pagdiriwang ang ‘bundle of joy’ nilang mag-asawa at ito nga au ang kanilang baby boy na si Night.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Ilan nga sa mga kaibigan nina Ryza at Miguel ang makikita na nagkomento ng kani-kanilang pagbati para sa kaarawan ni Miguel at sa anibersaryo nila ni Ryza.

Photo Credit: iamryzacenon/Instagram

Samantala, sa Instagram ni Miguel ay makikita ang black and white photo ng kanyang anak. Dahil sa talaga namang umaapaw sa kakyutan ang baby nila ni Ryza na si Night, ay madalas nga itong kinukunan ni Miguel ng mga magagandang larawan.

Maliban naman sa pagiging fulltime mommy muna ngayon ng aktrres na si Ryza Cenon, ay binibigyang oras din niya ngayon ang pagbabahagi ng mga nakaka-aliw na video ng kanyang anak na si baby Night sa kanyang YouTube channel.




Madalas ngang makikita sa mga ginagawang vlogs ng aktres na kasama niya ang kanyang mag-ama, na kitang-kita nga kung gaano sila kasayang pamilya.
Sa ngayon nga ay pokus si Ryza at Miguel sa pag-aalaga ng anak nilang si baby Night, na siya ngang mas nagbibigay kulay at saya sa kanilang maliit na pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *