Kilalanin Si Miko Raval Na Mas Kilala Sa Tawag Na Fabio

Marami sa mga hinahangaang artista sa industriya ng showbiz ngayon, ay mga simpleng tao lamang noon na nangarap na maging isang artista at hangaan sila dahil sa kanilang angking talento galing sa pag-arte man yan o sa pag-awit.

Photo Credit: mikoraval/Instagram




Isa na dito si MIko Raval o mas kilala natin sa tawag na Fabio sa inaabangan at sinusubaybayan serye ngayon sa ABS-CBN na “The Killer Bride”. Bago pa nga napunta ang role ng pagiging isang Fabio kay Miko, ay nagpapartime na umano ang aktor ng pagmomodelo.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Busy rin siya sa kanyang sariling negosyo ng mga damit na nagsimula noong 2014 kung saan ay business partner niya ang kanyang kasintahan na si Kaira Dimatulac.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Ayon kay Miko, ay hindi niya inaasahan na makakasama siya sa serye ng The Killer Bride, sapagkat malapit na itong umere sa telebisyon ng natanggap niya ang tawag na siya ay nabibilang sa mga karakter dito. At kanilang karakter nga ay ang pagganap bilang si Fabio, ang lalaking tumulong, nag-alaga at naging kakampi ni Camila (Maja Salvador) sa nasabing serye.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

“Surprise talaga wala akong ideya na makukuha yung ganitong kalaking role na toh!” ayon sa naging pahayag ng aktor.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Hindi rin akalain ni Miko na ang seryeng The Killer Bride ang magiging daan upang mas makilala pa siya ng mga tao at mas makita pa ng mga ito ang kanyang galing at tinatagong talento sa pag-arte. Hindi rin niya inaasahan na marami ang tumanggap at natuwa sa pagtatambal nila ni Maja Salvador sa nasabing serye.

Tatlong-buwan na pag-ere ng The Killer Bride sa telebisyon, ang episode na binaril si Fabio (Miko), ay naging usap-usapan at nag trending pa sa social media na kung saan marami ang nag komento na nakakalungkot kung mawawala na si Papa Fabio sa nasabing serye.

Nagsisimula na nga na mas makilala pa sa mundo ng showbiz industry ang pangalan ni Miko Raval, na ayon sa aktor ay hindi siya makapaniwala at sobra sobra ang kanyang nadarama ng tuwa.

“It’s overwhelming! Sobrang tuwa ako, eto na! LOL. “Mama, I made it! Eto na yung iniintay natin lahat! Ang buong sayang nasabi ng aktor dahil sa mga pangyayari ng tagumpay sa kanyang career ngayon.

Marami na rin na Kapamilya teleserye ang napanood natin ang aktor, ilan sa mga ito ay ang Halik, Wildflower at ang Magpahanggang Wakas dahil ang aktor ay isa sa mga talent ng Star Magic.

Si Miko ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Hotel, Restaurant, and Institution Management sa UP Diliman kung saan ang kanyang pinag-aralan ay ginagamit niya sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo ng kanyang kasintahan.

Ayon kay Miko kung nagkataon na hindi nagboom ang kanyang career sa showbiz, ay nais niyang maging isang professional basketball player. Dahil noong kanyang kabataan ay suportado siya ng kanyang ama sa pagbabasketball, sa katunayan nga daw ay ginawan siya nito ng basketball ring sa tapat ng kanilang bahay. Noong college naman si Miko ay nakapasok siya sa UP Men’s Basketball Team B.




Ngayon na unti-unti ng nag boboom ang showbiz career ni Miko ay sinabi ng aktor na “Tingnan natin kung anong next chapter natin pero ngayon – enjoy muna natin yung ride”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *