Kilalanin Si Moi Bien Ang “Long-Time Personal Assistant” Ni Piolo Pascual

Si Piolo Pascual ay isa sa mga Ultimate Heartthrob sa mundo ng showbiz. Siya ay isang actor, singer, model at producer. Mas kilala siya ng marami niyang mga kaibigan, katrabaho at tagahanga sa kanyang coined pet name na “Papa P”. Isa rin siya sa pinaka-popular na leading man sa bansa, dahil sa kanyang angking husay sa pagiging isang aktor, idagdag pa ang taglay niyang karisma at kagwapuhan.




Sa kabila naman na ang aktor ay hindi na pabata, at nagkaka-edad na rin ay kapansin-pansin namang na-maintain nito ang kanyang good-looks and awesome bod, at ayon sa aktor, ito nga ay dahil sa pagiging aktibo niya sa pag-eehersisyo, paglalaro ng mga kinahihiligan niyang sports, at sa madalas niyang pagsabak sa mga marathon.

Image Credit via Instagram

Samantala, mapapansin naman sa mga larawan ng aktor sa kanyang social media account, nina mayroon siyang madalas na kasama ng isang babae. At ito nga ay ang kanyang long-time personal assistant na si Hatima Marcampo, isang Zamboanguena, at mas kilala sa kanyang screen name bilang si Moi Bien.

Image Credit via Instagram

Dahil nga sa talagang malapit si Moi Bien sa aktor, at madalas niya itong nakakasama, ay talaga namang kinaiingitan siya ng maraming mga kababaihan na pumapantasya sa gwapong si Piolo Pascual.

Image Credit via Instagram

Hindi nga lamang ang ang pagiging personal assistant niya ni Piolo ang kinaiingitan ng marami, kundi ang mga gifted opportunities na kanyang nakukuha dahil sa pagiging PA niya sa gwapong aktor.

Image Credit via Instagram

Mula pa nga taong 2000, ay personal assistant na ni Piolo Pascual si Moi Bien, kaya naman talagang matagal na taon na ang kanilang pinagsamahan, at gamay na gamay na nila ang ugali ng isa’t isa.Makikita nga sa mga larawan online ng tinaguriang Ultimate Heartthrob, na madalas nga nitong nakakasama sa mga activities na kanyang ginawa si Moi Bien, tulad na nga lamang ng kasama niya ito sa pagkain, at maging sa pagtulog.

Image Credit via Instagram

Minsan na ring napasabak sa pag-arte si Moi Bien, dahil sa ilang mga pelikula at serye ang kinabibilangan nito. Unang nasilayan ang kanyang pag-arte sa pelikulang “Kimmy Dora” ni Eugene Domingo, kung saan ay gumanap siya dito bilang isang kasambahay na may great aplomb.




Nakakainggit nga naman talaga ang buhay ni Moi Bien bilang personal assistant ni Piolo, dahil talagang hindi empleyado ang turing sa kanya ng aktor, kundi isang kaibigan. Sa katunayan nga, ay tinupad pa ng aktor ang isa sa mga pangarap ni Moi Bien, at ito nga ay ang makapag-aral sa isang culinary school, kung saan ay naka-graduate na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.