Kilalanin Si Nene Limosniro Ang Personal Assistant Ng Aktor Na Si Sam Milby Sa Loob Ng 12-Taon

Si Sam Milby ay isa sa mga gwapong aktor sa industriya ng showbiz sa ating bansa, at marami sa ating mga kababayan, higit sa mga kababaihan ang talaga namang humahanga sa kanya.



Marami namang mga larawan ang aktor na kung saan ay makikita natin, na may mga tagahanga siyang nakakasama, ngunit may ilang mga larawan tayong mapapansin na may isang babae na madalas nga ay kasama ng aktor sa mga larawan nito.
Image Credit via Google
Akala nga ng iba sa atin, ang simpleng babae na laging nakakasama ng aktor sa kanyang mga larawan, ay isa lamang sa tagahanga nito. Ngunit tayo ay nagkakamali, dahil ang babaeng ito pala ay isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ni Sam, dahil ito ay si Nene Limonsiro ang kanyang Personal Assistant sa loob ng 12-taon.
Image Credit via Google
Si Nene Limonsiro, ay 12-taon ng Personal Assistant ni Sam Milby, at sa tagal niya na sa aktor ay talagang masasabi na malapit na sila sa isa’t isa. Bilang PA ni Sam, ay nararanasan din ni Nene ang ilan sa magarbong buhay ng aktor, tulad na lamang ng makapasyal at makapagbaksyon sa ibang bansa.
Image Credit via Google
Maliban pa nga rito, ilang mga matatalik na kaibigan din ng aktor sa industriya ng showbiz ang nakakasalamuha at nakaka-usap niya, tulad na lamang nina Jericho Rosales at Angel Locsin.
Image Credit via Google
Bilang isang PA, ay malaki ang bahagi ni Nene sa buhay ng aktor, dahil mula pa lamang sa pag-uumpisa ni Sam sa showbiz ay siya na ang kasa-kasama nito. Siya rin ang nagturo sa aktor sa pagsasalita ng tagalog.
Image Credit via Google
Samantala, ang maganda at maayos na pamumuhay na ibinibigay ni Sam kay Nene, ay pagpapakita lamang ng aktor kung gaano siya nagpapasalamat na ito ang kanyang naging PA, dahil sa halos lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay artista ay hindi siya nito pinabayaan at iniwan.
Isa rin si Nene sa mga taong pinagkakatiwalaan ni Sam sa lahat ng nagiging desisyon niya, dahil alam niya na ang nais lamang nito ay protektahan siya. Maging pagdating sa love life ng aktor ay nagbibigay ng kanyang opinion si Nene at sinasabi rin agad niya sa aktor ang totoong ekspresyon niya sa kung sino man ang babaeng nagugustuhan nito.
At tila nga ang relasyon ni sam kay Miss Universe 2018 na si Catriona Gray, ay approved kay Nene. Noon ngang May 23, 2020 sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktor, ay ibinahagi nito sa kanyang social media account kung ano na ang estado ng relasyon nila ni Catriona.
Isang larawan ang ibinahagi ni Sam, na kung saan ay magkayakap sila ni Catriona, na may caption na. “Worth every second of the wait. Most especial birthday yet.”
Sa pagdiriwang din ng kaarawan na ito ng aktor, ay matatandaan na nagbigay rin ito ng isang seet na mensahe para kay Nene na;
“I got lucky from the start. My assistant for over 12 years na, I couldn’t ask for someone better. Napakahusay, maalaga, number 1 defender.” Kung atin ring matatandaan, noong magkaroon ng panayam ang aktor sa TV show na “Magandang Buhay”, ay ibihagi rin nito kung gaano siya ka-blessed ay ka-lucky na si Nene ang kanyang naging Personal Assistant.



“Isa sa mga pinaka-biggest blessings sa buong buhay ko si Nene. You are someone na habang buhay ikaw ang family ko.” “I love you Nene. You’ve been such a big blessing sa buhay ko talaga. Alam mo ‘yun,” ang naging saad nga noon ni Sam.
Sa halos isang dekada ngang pagiging isang PA ni Nene kay Sam, ay makikita nga natin na ang turing na nila sa isa’t isa ay magkapamilya, napakaganda rin ng pagsasamahan na nabuo nila sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *