Kilalanin Si Olivia Ang Super Cute Na Baby Girl Ng Aktres Na Si Beauty Gonzales

Buwan ng Pebrero taong 2016 ng magsilang ang aktres na si Beauty Gonzales ng isang napakalusog na baby girl at ito nga ay pinangalanan niyang Olivia. Matapos magsilang, taong 2017, buwan ng Mayo ay nagpakasal si Beauty sa kanyang longtime boyfriend na si Norman Crisologo, isang art curator, kung saan ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa Tagaytay.




Ilang taon na rin ang matuling lumipas, at ngayon nga ang baby girl ni Beauty na si Olivia ay limang taong gulang na. Labis na kinagigiliwan si Olivia dahil sa umaapaw nitong kakyutan na mas binagayan pa ng kanyang ‘kulot’ na buhok.

Image Credit via Instagram

Ang kabuuang pangalan ni Olivia ay Olivia Ines Gonzales Crisologo, kung saan siya ang panganay at hanggang ngayon ay nag-iisa pa ring anak ng mag-asawang Beauty at Norman.
Bilang isang ina, ay proud na proud naman palagi si Beauty sa mga milestone ng kanyang baby Olivia. Madalas pa nga ibahagi ng aktres sa kanyang social media account ang mga nakakaaliw na gawain ng kanyang anak, kagaya na lamang ng iba’t ibang emosyon nito na ayon pa sa kanya ay pwede na itong makakuha ng Oscar awards dahil sa husay nito sa pagpapakita ng kanyang emosyon lalo na kung may nais ito.

Image Credit via Instagram

“And the Oscar goes to……… Olivia Ines!!! Olivia here exploring one of the many many weapons she can use to get what she wants!!”, ang naging Instagram post noon ni Beauty.
Hindi naman kaila sa atin na madalas na namamasyal o nagta-travel si Beauty, at siyempre kasama niya ang anak at asawa. At dahil madalas ding nasa beach ang pamilya, bata pa lamang nga ay beach lover na si Olivia.

Image Credit via Instagram

“Olivia Ines is happiest with sand in her toes and with mama and papa 24 hours a day”, saad ni Beauty sa isang larawan ni Olivia na ibinahagi niya sa kanyang socmed account.
At dahil lagi ngang nasa beach ang mag-ina, ay iba’t iba nga naman ang nagiging swimsuits at tan lines ni Olivia, ayon pa kay Beauty.

Image Credit via Instagram

“Blurred Lines. Patchwork tan lines on Olivia from the many different swimsuits she wore on our trips”, ani pa ng aktres. Minsan na ring ibinahagi ni Beauty sa kanyang social media account kung gaano katapan ang kanyang baby Olivia, kung saan ay walang takot nga itong nagpakuha ng larawan habang may hawak na ahas, at iba pang mga hayop na kung sa ibang mga bata marahil ay hindi ito magagawang hawakan.




May heartful message naman si Beauty para kay Olivia, kung saan ay kanyang inilahad ang pagmamahal niya sa kanyang anak. “What a year this has been, couldn’t have asked for anything more than to have spent it with both of you. This coming year I promise more hugs and sunsets, more funny jokes and adventures, more beaches and mangoes.. and more dreams together. I love you with all my heart”, saad ni Beauty.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *