Kilalanin Si Rachelle Ricketts Ang Panganay Na Anak Nina Ronnie Ricketts At Mariz Umali

Taong 80’s-90’s ng sumikat at maging popular na aktor sa industriya ng showbiz sa Pilipinas si Ronnie Ricketts, ngunit maging ang mga ipinanganak ng taong 2000’s ay may ilang pa ring nakakakilala sa kanya, dahil sa mga proyekto at pelikula niya na hanggang ngayon ay may ilang pa rin sa mga ito ang mapapanood ng marami sa atin.



Ngunit marami sa atin ang hindi nakababatid na si Ronnie Ricketts ay naging dating presidente ng Philippine Film Actors Guild, at naging dati rin siyang chairman ng Optical Media Board (OMB) sa Pilipinas.
Hindi nga lang basta nakilala bilang isang magaling na aktor si Ronnie, dahil maliban dito ay isa rin siyang script writer, film director, line product, at isa rin siyang avid martial artist.
Sa buhay pag-ibig naman ng aktor, ay kapwa niya artista ang kanyang napangasawa.
Matatandaan na, noong December 18, 1993 ay ikinasal si Ronnie Ricketts sa aktres na si Mariz sa San Antonio Church, sa Forbes Park.
Ang pagsasama nina Ronnie at Mariz, ay nabiyayaan ng dalawang supling, na kung saan ang mga ito ay pareho ng magagandang dilag ngayon. Sila nga ay sina Raechelle Marie at Marella Rosabelle.
Makikita sa dalawang anak na dalaga ni Ronnie, na ang mga ito ay namana ang pagka-artistahin looks nilang mag-asawa. Sa katunayan, sa ngayon ay ang panganay niyang anak na si Raechelle ay naging agawa pansin sa social media, at pinag-uusapan online.
Sa Instagram nga ni Raechelle, ay makikita ang mga stunning photos ng dalaga, kung saan ay talaga namang naagaw nito ang pansin ng maraming mga netizens.
Tulad ng ibang mga dalaga, ay masasabi natin na napa-conscious ni Raechelle pagdating sa kanyang pangangatawan. Makikita nga sa napakaseksing pangangatawan ng dalaga na hindi ito nagpapabaya sa kanyang katawan, at mapapanatili nito ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga malulusog na pagkain na hindi nagpapataba.



Mapapansin rin sa mga larawan ni Raechelle sa kanyang Instagram na mahilig ang dalaga na mamasyal sa mga beaches at magtampisaw.
Kabigha-bighani rin ang kanyang balingkinitan katawan lalo na kapag siya ay nakasuot ng two-piece swimsuit. Ano ang masasabi niyo sa magandang anak ni Ronnie Ricketts? Masasabi ba niyo na pang-artista rin ang kanyang ganda at karisma ng taglay?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *