Kilalanin Si Tanya Ramos Ang Napaka Gandang Anak Ng Aktor Na Si Wendell Ramos

Isa ang aktor na si Wendell Ramos sa mga aktor sa showbiz, na talaga namang masasabi natin na may taglay na gwapong mukha. Ang kanyang karera bilang isang aktor sa industriya, ay nagsimula noong taong 1995, kung saan ay naging bahagi siya ng “Bubble Gang” na mapapanood sa GMA Network.



Naging isa ring matinee idol si Wendell, kaya naman ilan din sa mga magagandang aktres noon sa showbiz ang kanyang nakatambal sa ilang mga serye o pelikula. Kabilang nga sa mga aktres na ito ay sina Diana Zubiri at Ara Mina.
Image Credit via Google
Maliban pa sa pagiging isang aktor, ay naging isang modelo rin si Wendell, ito ay dahil maliban sa kanyang gwapong mukha, ay taglay rin niya ang matikas na pangangatawan.
Image Credit via Google
Dahil sa pagiging isang gwapo at matipunong aktor, ay hindi nakapagtataka na maraming mga kababaihan ang mapa-ibig at magkagusto kay Wendell Ramos. Noon nga ay may naging karelasyon si Wendell, kung saan ay nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki dito.
Image Credit via Google
Ang dalawang anak na lalaki ni Wendell ay sina Wendell Saviour at Dedell Saviour.
Maliban sa dalawang anak na lalaki ni Wendell sa dati niyang nakarelasyon, ay mayroon ring anak na babae ang aktor, at ito ay si Tanya Nicole Ramos.
Image Credit via Google
Si Tanya Nicole Ramos ay nag-iisang anak na babae ni Wendell, sa kanyang asawang si Kukai Ramos. Ipinanganak si Tanya noong Disyembre taong 2006, kung kaya naman ngayon ay 13-taong gulang na ang anak na ito ni Wendell.
Image Credit via Google
Dahil sa nagmula sa magandang lahi ng kanyang ama at ina, ay namana ni Tanya sa mga ito ang kanyang taglay na ganda, kung saan mas lumilitaw pa ito ngayon na siya ay nagdadalaga na.
Samantala, dahil sa nag-iisang anak na babae ni Wendell si Tanya ay napaka-espesyal ng turing niya rito, kung saan ay tinatawag niya pa itong “Love of My Life”.



Makikita naman sa mga larawan ni Tanya, na kapag ito ay ngumingiti ay mas magiging kahawig nito ang amang si Wendell. Kapansin-pansin rin sa mga larawan, ang pagiging malapit ni Wendell sa kanyang mga anak.
Kung titignan namang maigi ang angking gandang taglay ni Tanya Nicole, ay masasabi natin na ang kagandahan niyang ito ang maaring maging isa sa mga potensyal niya, halimbawa ng kaisipan nitong pasukin ang industriya ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *