Kilalanin Si “Twinkle” Ang Magandang Kapatid Ni Kim Chiu Na Isang Flight Attendant

Isa sa pinakamatingkad ang bituin ngayon sa showbiz industry ay ang Pinoy Big Brother housemates at big winner noon na si Kim Chiu. Matapos ang kanyang naging noon bilang kauna-unahang big winner ng PBB Teen Edition, ay kabi-kabilang mga proyekto at pelikula na ang nagawa ng aktres.



Mula sa kanilang simpleng pamumuhay noon ay malayo na ang narating ng 27-taong gulang na aktres. Lahat ng kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya ay kanya ng natupad.
Image Credit via Google
Si Kim Chiu ay pang-apat sa limang anak ng isang businessman na nagngangalang William Chiu na mula sa Mindoro. Ang kanyang mga magulang ay hiwalay sa isa’t isa kaya naman ang nag-alaga at nagpalaki sa kanilang magkakapatid ay ang kanyang lola sa side ng kanyang ama.
Image Credit via Google
Samantala, alam niyo ba na may nakatatandang kapatid si Kim na kasing-ganda rin niya?
Si Wendolyn “Twinkle” Chiu ay ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Kim Chiu, na ngayon nga ay naging usa-usapan na din sa social media dahil sa kapansin-pansin ang angkin nitong ganda na tulad ng sa kapatid niyang aktres.
Image Credit via Google
Isang flight attendant si Wendolyn “Twinkle” Chiu sa Philippine Airlines. Makikita nga sa mga larawan ni Twinkle na nakakarating ang dalaga sa iba’t ibang bansa, at siyempre sa bawat larawan niya ay makikita ang kanyang kagandahan na masasabi nating kasing ganda siya ng kanyang kapatid na si Kim.
Image Credit via Google
Dahil sa taglay na ganda, ay hindi imposible na malink ang dalaga sa iba’t ibang binata, tulad na lamang noong malink ito sa isang gwapong aktor.



Matatandaan na taong 2014, ng ma-linked si Twinkle sa isa sa itinuturing na pinaka gwapong aktor sa industriya at pinakarerespetong leading man at ito ay si James Reid ngunit nilinaw din ito ng dalawa na mayroon lang mis-understanding sa issue na ito.
Image Credit via Google
Kung bibisitahin ang social media accounts ni Twinkle ay makikita rito na hilig ng dalaga ang mag-explore sa mga beaches at pools, na kung saan siya napaka-relaxing nga naman.
Isa rin sa mga mapapansin sa social media accounts ni Twinkle ay ang kagustuhan nitong i-explore ang buong mundo.
Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *