Kilalanin: Tinaguriang “The Walking Encyclopedia Ng Mga PIlipino” Si Ernie Baron

Ang ating bagong henerasyon ngayon, ay tinaguriang ang henerasyon ng mga makabagong teknolohiya na kung saan ay karamihan sa ating mga kinakailangan lalo kung ito ay tungkol sa Kasaysayan o Siyensya ay matatagpuan na lamang natin sa ating mga gadgets, katulad ng ating computers at cellphones sa pamamagitan lamang ng isang pindot dito o “Click” sa mga ito.

Image Credit via Google




Ngunit alam niyo na ba na noong hindi pa nauuso ang mga gadgets na ito, at telebisyon o radio lamang ang isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng balita ay inaabangan ng mga kabataang Pinoy ang paglabas sa radyo o telebisyon ni Ernie Baron o mas kilala noon bilang “The Walking Encyclopedia” ng mga Pilipino.

Image Credit via Google

Si Ernesto “Ernie” Baron ang tinaguriang “The Walking Encyclopedia” ng mga Pilipino noong hindi pa nauuso ang mga gadgets na talagang hinahangaan dahil sa angking galing niya at kaalaman. Hindi nga naman malilimutan ang naging ambag niya sa mga buhay ng mga Pilipino noong siya ay nabubuhay pa bilang isang batikang mamamahayag at imbentor.

Siya ay nag serbisyo ng halos apat na dekada o 40 na taon sa larangan ng pamamahayag. Sa ABS-CBN Network kung saan siya ay nag serbisyo ng matagal na panahon bilang mamamahayag ay mas kilala siya bilang “the weatherman” ng TV Patrol”.

Image Credit via Google

Isa din sa mga naging programa sa telebisyon ni Ernie Baron ay ang “Knowledge Power” na talaga na namang sinusubaybayan noon mga manonood lalo’t higit ang mga kabataang nais magkaroon ng maraming kaalaman. Mapakikinggan din noon si Ernie sa “Gintong Kaalaman” na isang general information program sa dating DZAQ na ngayon ay kilala na bilang DZMM Radyo Patrol 630.

Hindi nga lang sa larangan ng pamamahayag nakilala si Ernie Baron, sapagkat isa din siya sa mga taong nagsimula ng adbokasiya sa paggamit ng ilang mga halamang-gamot. Ilan nga sa mga halamang-gamot na kanyang ibinahagi ng gamitin ay ang “pito-pito” at maging ang “cleansing diet”.

Maliban pa nga sa pagiging isang magaling na mamamahayag ay kilala din siya bilang isang imbentor, at isa sa kanyang mga likha ay ang “DC Super Antenna” o ang “Baron Super Antenna” na isa sa mga pinaka abot-kayang antenna ng masang Pilipino noon para sa kanilang mga telebisyon.

Hindi rin naman matatawaran ang mga parangal na kanyang natanggap, at ilan sa mga ito ay ang “Best Educational TV Program Host” sa Star Awards noong taong 2020, “One of the Most Interesting Personalities in 2001” ng ABS-CBN at ang iginawad sa kanya ng “Film Achievers Association” na “Broadcast Journalist of the Year” noong 2005.




Isa rin si Ernie Baron sa mga personalidad na nagulat sa marami nating kababayang Pilipino na ang pagkakaroon ng kaalaman sa maraming bagay at pagsisikap sa pag-aaral ay isa sa mga magiging daan natin upang tayo ay magkaroon ng maayos at magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *