Kiligin Sa Mag-Asawang Michael De Mesa At Julie Reyes-Eigenmann Dahil Sa Relasyon Nilang Talaga Namang Nakaka-Inspire

Lahat nga naman ng magkarelasyon ay dumaraan sa mga pagsubok ng buhay o kaya naman ay hindi pagkakaunawaan, kaya naman talagang masasabi natin na walang perpektong relasyon lalo na pagdating sa relasyon ng mag-asawa.




Ilang mga buhay mag-asawa na bang narinig nating kwento na dumaan sa mga mga pagsubok ang relasyon ay may ilan nga sa kanila ang sinukuan ito kaya naman nauwi nauwi ang mga ito sa pagtatapos o paghihiwalay.

Photo Credit/mdemesa24/Instagram

Ngunit may ilan ding mag-asawa at magkarelasyon na sa kabila ng maraming dagok at pagsubok na dumaan, ay tila isang matatag na punong-kahoy na hindi nagpatibay sa kabila ng mga unos, sapagka’t ginamit nila ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan upang mas lalo pang pagtibayin at patatagin ang pagsasama bilang mag-asawa o magkarelasyon.

Photo Credit/mdemesa24/Instagram

Isa na sa mag-asawang masasabi natin na hindi man perpekto ay naging matagtag ang pagsasama ay sina Michael De Mesa at ang misis nito na si Julie Reyes-Eigenmann.
Si Michael De Mesa ay isa sa mga kilalang beteranong aktor sa industriya ng showbiz.

Photo Credit/mdemesa24/Instagram

Madalas siyang kontrabida sa mga karakter na ginagampanan niya noon sa kanyang henerasyon dahil na rin sa pagkakaroon niya ng matapang na mukha at personalidad pagdating sa telebisyon.

Photo Credit/mdemesa24/Instagram

Ngunit taliwas sa imahe sa harap ng kamera at sa napapanood natin sa ating mga telebisyon, ay isa palang makwela at mabuting ama at asawa si Michael De Mesa sa kanyang pamilya. Mayroon siyang anim na anak, limang mga apo at syempre isang magandang asawa na si Julie.

Photo Credit/mdemesa24/Instagram

Nagmula man ang dalawa sa kani-kanilang mga karelasyon noon, ay hindi naman naging hadlang kana Michael at Julile ang mga ito upang hindi pagtibayin ang pagsasama nila bilang mag-asawa.




Makikita nga naman sa bawat larawan ng dalawa kung gaano kasaya ang kanilang pagsasama, dahil sa napakaraming bagay ay talaga namang nagkakasundo silang dalawa.
Ilan sa mga hilig gawin ng dalawa ng magkasama ay ang kumain, mag-ehersisyo at magbonding, kaya naman talagang napapanatili nila ang sweetness nila sa isa’t-isa.

Photo Credit/mdemesa24/Instagram

Napapa-Sana All nga naman ang marami dahil sa nakikitang bonding at masayang pagsasama ng mag-asawa, at tiyak nga naman na mas magiging matatag at masaya pa sila sa paglipas ng mga panahon basta’t nasa piling sila ng isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *