Kim Chiu At Xian Lim Muling Nagbigay Kilig Sa Kanilang Mga Tagahanga Matapos Ibahagi Ang Nakakamangha Nilang Pagyo-Yogang Dalawa

Isa sa mga kinakikiligang loveteam, mapa- off at on-screen man ay ang real life celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim. Hindi lang kasi sila sa harap ng kamera nagbibigay kilig sa kanilang mga tagahanga kundi maging sa tunay na buhay ng kanilang matamis na relasyon bilang magkasintahan.




Sa YouTube vlog at social media post ng aktres na si Kim Chiu ay madalas na magbahagi ng kanilang “sweet moments” ang magkasintahan.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

At sa mga latest post nga ng aktres, ay makikita na tila hindi pa tapos ang selebrasyon ng dalawa sa nagdaang ‘Valentines day’, dahil hanggang ngayon nga ay magkasama pa rin sina Kim at Xian sa Balesin Island sa Palawan, at ine-enjoy pa ang bawat araw na silang dalawa ay magkasama.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Ayon nga sa mga naging ulat, nanatili pa rin sa mala-paraisong isla ng Palawan ang magkasintahan, kung saan ay kasama nila sa kanilang naging bakasyon ang mommy at grandmother ni Xian.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Samantala, maliban nga sa masayang bakasyon ng magkasintahan sa nasabing lugar, ay nag-e-enjoy rin sina Kim at Xian sa pagyo-yoga nilang dalawa.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Makikita sa social media account ni Kim, ang naging pagbabago nito ng larawan kung saan ay makikita kung gaano siya sinusuportahan ng kanyang nobyong si Xian.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Kalakip nga ng nasabing larawan, ay ang caption ni Kim na nagsasabi kung gaano niya na-appreciate ang kanyang boyfriend, lalo na sa pagmamahal at pag-aalaga na ipinadama nito sa kanya.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Isa naman sa mga larawan ng dalawa, na talaga namang nagbigay kilig pa lalo sa kanilang mga tagahanga, ay ang ini-upload ni Kim na larawan kung saan makikita na magkasama nilang ginagawa ni Xian ang pagyo-yoga.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Sa nasabing ang larawan ay makikita na habang nakahiga si Xian sa yoga mat, ay binabalanse nito ang kasintahang si Kim na naka-angat sa kanyang paanan. Nagawa ngang iangat ni Xian si Kim, gamit lamang ang kanyang mga paa, at i-balanse ang kasintahang aktres.

Photo Credit: chinitaprincess/Instagram

Maliban nga sa kilig, ay humakot rin ng paghanga ang larawan na ito ng magkasintahan mula sa kanilang mga tagahanga. Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga KimXi fans;

“Galing naman ng KimXi! Pati sa yoga coordinated ang actions nila. Impressive talaga ang lakas ni Xian nabuhat niya si Kimmy sa pamamagitan ng paa! I love [heart emoji].
“Best Couple talaga!”




“Wow! Perfect match! Fitness lover! Swak na swak silang dalawa! Puede ng mag-apply sa Acrobatic stage! Flexible bodies! Grabi mahirap maka Move on. Nakaka-impress at nakaka-inspire ang KimXi.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *