Kim Chiu Ipinasilip Ang Masayang Bakasyon Sa Isang Napakagandang Isla

Nang magkaroon ng krisis sa ating bansa ay napakarami ngang mga restriksyon ang ipinatupad ng ating pamahalaan, ito ay bilang pag-iingat na din para sa lahat. Isa nga sa mga nagkaroon ng restriksyon sa kasagsagan ng krisis ay ang pagta-travel,




kaya naman sa halos 2-taon na lumaganap ang krisis sa ating bansa ay marami sa atin ang talagang na-miss na ang mga lugar na noon ay madalas nating mapupuntahan at mapapasyalan.

Photo Credit via Instagram

Sa kabila nga na mayroong pa ring ilang lugar sa ating bansa at sa ibang panig ng mundo ang laganap pa din ang krisis ay may ibang mga lugar o bansa na nga ang tumatanggap na ng baksyunista o turista sa kanilang lugar.

Photo Credit via Instagram

Kaya naman ang pagkakataon na ito na muling makapagbakasyon ay hindi pinalampas ng marami sa atin, lalo na ng ilan sa mga kilalang personalidad natin sa mundo ng showbiz.

Photo Credit via Instagram

Kim Chiu ay isa lamang sa mga personalidad sa mundo ng showbiz na hindi pinalampas ang pagkakataon na ito na muling maranasan ang masayang bakasyon sa isang nakakarelaks na lugar. Kaya naman kamakailan lamang ay nagbakasyon si Kim sa isang napakagandang lugar at ipinasilip niya sa mga tagahanga niya ang naging masayang bakasyon niya na ito.

Kamakailan nga lamang sa social media ni Kimberly Sue Yap Chiu o mas kilala ng publiko bilang si Kim Chiu ay ibinahagi niya ang mga larawan niya na kuha sa naging masaya at nakaka-relaks na bakasyon niya sa mala-paraisong isla ng Balesin sa Quezon.

Kitang-kita naman talaga sa mga larawang ibinahagi ng aktres ang naging pag-i-enjoy niya sa naturang lugar, lalo na’t napakaganda ng tanawin na nakapaligid sa kanya. Sa ilang mga larawan pa nga ni Kim ay masisilayan ang naging pag tampisaw niya sa napakalinaw at napakalinis na tubig dagat ng Balesin.

Naging agaw-pansin din nga sa mga netizens ang napakagandang larawan ni Kim kung saan siya’y nakasuot ng swimsuit na talaga namang nag palitaw sa kanyang kabigha-bighani ang balingkinitan pangangatawan.

Si Kim Chiu ay tubong Cebu na noon ay isa lamang simpleng dalaga na nangangarap lamang na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ang pangarap niyang ito ay unti-unti niyang natupad ng mapabilang siya bilang housemate ng unang season ng Pinoy Big Brother Teen Edition,




kung saan sa pagtatapos nito ay hinirang siya bilang Big Winner, at dito nan ga nagbukas ang napakaraming oportunidad sa kanya.Kilala at hinahangaan ng marami si Kim ngayon bilang isang mahusay na aktres, TV host, singer, dancer at vlogger.

Leave a Reply

Your email address will not be published.