Kim Chiu Proud Para Sa Kanyang Kapatid Na Lalaki At Ngayon Ay Ganap Ng Professional Na Piloto Sa Canada

Labis ang kasiyahan na nadarama ng aktres na si Kim Chui dahil isa na naman sa kanyang mga kapatid ang natupad ang pinapangarap na karera sa buhay. Proud na proud nga naman si Kim sa kapatid niyang lalaki na si John, sapagkat matapos ang ilang taon na pag-aaral nito sa ibang bansa upang maging piloto, ngayon nga ay matagumpay at ganap na itong professional pilot sa bansang Canada.




Samantala, ayon nga kay Kim noong unang maisipan ng kanyang kapatid na mag-aral ng pagpi-piloto sa ibang bansa ay talagang nakaramdam ng pangamba ang kanilang pamilya. Iniisiip umano nila na baka hindi nito kayanin ang buhay sa ibang bansa, lalo pa nga’t mag-isa lamang ito at walang sinomang kapamilya na makakasama. Kaya naman sa un ay nagdalawang isip pa sila kung papayagan bai tong magtungo sa Canada upang doon mag-aral.

Image Credit via Google

Ngunit dahil talagang pursigido ang kapatid ni Kim na si John na makamit ang pangarap niya na maging isang matagumpay at propesyonal na piloto, sa huli ay pinayagan na rin ito ng pamilya ng aktres na magtungo sa Canada at doon nga ito’y nanirahan at nag-aral ng halos apat na taon.

Image Credit via Google

Hindi man madali ang mawalay sa pamilya ay nilakasan naman ni John ang kanyang loob at tiniis ang pag-iisa sa Canada para lamang mabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap na maging Piloto.

Image Credit via Google

Ayon pa sa ulat, kasabay ng pag-aaral ay nagpart-timr job din si John sa Canada upang makatulong din siya kahit paano sa gastusin sapagkat hindi nga naman biro ang pagtira at pag-aaral sa ibang bansa.

Image Credit via Google

Kahit naman umano hindi madalas na nabibisita ni Kim sa ibang bansa ang kanyang kapatid, ay ibinahagi naman ng aktres na naranasan na niyang sumakay ng eroplano na ang kapatid niya ang piloto.

Image Credit via Google

Kung noon nga ay nagagawa pang bumisita ni Kim at ng iba pa niyang pamilya sa Canada upang makita at makamusta si John, ngayon ay virtual na lamang muna kung sila ay magkita at magkamustahan dahil nga sa patuloy pa rin ang paglaganap ng krisis.

Hindi naman matatawaran ang galak na nararamdaman ni John dahil sa ilang taon niyang naging pagtitiis na mamuhay ng mag-isa sa Canada ay nabigyan na niya ng katuparana ng pangarap niya. Isa na nga siyang ganap na Professional Pilot sa Canada at madalas na siyang nagkakaroon ng mga flights sa iba’t ibang panig ng mundo.




Sa kabila naman na hindi pa rin niya nakakasama ang kanyang pamilya sa panahon na ito, ay masaya ngayonang binata sa buhay niya sa Canada lalo pa’t mayroon na siyang nakakatuwang at ito nga ay ang kanyang foreign girlfriend.Sa Instagram nga ni John ay madalas ng makikita ang pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang napakagandang girlfriend, lalo pa’t maliban sa pagpipiloto ay mahilig din siya sa photography.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *