Kim Chiu Proud Sa Pagiging Piloto Sa Canada Ng Kanyang Kapatid Na Lalakiip

Labis ang kasiyahan na nadarama ng aktres na si Kim Chui dahil isa na naman sa kanyang mga kapatid ang natupad ang pinapangarap na karera sa buhay. Proud na proud nga naman si Kim sa kapatid niyang lalaki na si John, sapagkat matapos ang ilang taon na pag-aaral nito sa ibang bansa upang maging piloto, ngayon nga ay matagumpay at ganap na itong professional pilot sa bansang Canada.




Samantala, ayon nga kay Kim noong unang maisipan ng kanyang kapatid na mag-aral ng pagpi-piloto sa ibang bansa ay talagang nakaramdam ng pangamba ang kanilang pamilya.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Iniisip umano nila na baka hindi na kainin ang buhay sa ibang bansa, lalo pa nga’t mag-isa lamang ito at walang sinomang kapamilya na makakasama. Kaya naman sa un ay nagdalawang isip pa sila kung papayagan bai tong magtungo sa Canada upang doon mag-aral.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Ngunit dahil talagang pursigido ang kapatid ni Kim na si John na makamit ang pangarap niya na maging isang matagumpay at propesyonal na piloto, sa huli ay pinayagan na rin ito ng pamilya ng aktres na magtungo sa Canada at doon nga ito’y nanirahan at nag-aral ng halos apat na taon.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Hindi man madali ang mawalay sa pamilya ay nilakasan naman ni John ang kanyang loob at tiniis ang pag-iisa sa Canada para lamang mabigyan ng katuparan ang kanyang pangarap na maging Piloto.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Ayon pa sa ulat, kasabay ng pag-aaral ay nag part-time job din si John sa Canada upang makatulong din siya kahit paano sa gastusin sapagkat hindi nga naman biro ang pagtira at pag-aaral sa ibang bansa.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Kahit naman umano hindi madalas na pagbisita ni Kim sa ibang bansa ang kanyang kapatid, ay ibinahagi naman ng aktres na naranasan na niyang sumakay ng eroplano na ang kapatid niya ang piloto.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Kung noon nga ay ginagawa ng bumisita ni Kim at ng iba pa niyang pamilya sa Canada upang makita at makamusta si John, ngayon ay virtual na lamang muna kung sila ay magkita at magkamustahan dahil nga sa patuloy pa rin ang paglaganap ng krisis.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Hindi naman matatawaran ang galak na nararamdaman ni John dahil sa ilang taon niyang naging pagtitiis na mamuhay ng mag-isa sa Canada ay nabigyan na niya ng katuparana ng pangarap niya. Isa na nga siyang ganap na Professional Pilot sa Canada at madalas na siyang nagkakaroon ng mga flights sa iba’t ibang panig ng mundo.

Photo Credit: alfa1charlie/Instagram

Sa kabila naman na hindi pa rin niya nakakasama ang kanyang pamilya sa panahon na ito, ay masaya ngayon ang binata sa buhay niya sa Canada lalo pa’t mayroon na siyang nakakatuwang at ito nga ay ang kanyang foreign girlfriend.




Sa Instagram nga ni John ay madalas ng makikita ang pagbabahagi nito ng larawan ng kanyang napakagandang girlfriend, lalo pa’t maliban sa pagpipiloto ay mahilig din siya sa photography.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *