Kim Chui, Ipinasilip Ang Kanilang Dating Bahay Bago Pa Siya Pumasok Sa Showbiz

Kim Chiu o mas kilala bilang si Kimberly Sue Yap sa totoong buhay ay isang Chinese Filipino, ipinanganak noong April 19, 1990. Isa siyang teenage ng magsimula siyang pangarap na maging isang kilalang bituin sa industriya ng showbiz.

Image Credit via Google




Sa kanyang edad na 16-taong gulang ng simula ng tahakin ni Kim ang buhay ng isang celebrity, matapos siyang itanghal bilang kauna-unahang Pinoy Big Brother (PBB) TEEN EDITION winner, isang reality show ng ABS-CBN network. Sa kanyang pagkapanalo ng ito nagsimula ang pagkinang ng bituin ni Kim Chiu sa showbiz industry, maraming pintuan at oportunidad ang nagbukas sa teenager.

Image Credit via Google

Ilang Television series ang sinimulang gawin ni Kim Chiu upang ipakita ang kanyang angking talent sa pag-arte. Isa sa kanyang mga hindi malilimutang teleserye ay ang “Sana Maulit Muli” na umere sa telebisyon noong taong 2007, dito hindi matatawaran galing ang sa pag-arte ang ipinakita ni Kim kung kaya’t siya ay itinanghal na Most Promising Female Star at Most Popular loveteam kasama ang kanyang ka loveteam noon na si Gerald Anderson sa GMMSF.

Image Credit via Google

Hindi nga matatawaran ang angking galing at talento ni Kim Chiu, dahil hindi lang siya magaling sa pag-arte kundi isa rin siyang dancer, singer, recording artist at host. Dahil sa kanyang galing sa pag arte hindi lang sa telebisyon kundi sa mga malalaking pelikula na pinalabas sa mga sinehan ay kilala si Kim Chiu bilang “Chinita Princess” at naging “Princess of Philippines Movies and Tv” sa tatlong taong magkakasunod.

Image Credit via Google

Sa kanyang pagsisimula sa showbiz at bago ang kanyang tinamasang kasikatan ay aminado si Kim na nagsimula lamang siya bilang isang simpleng teenager na naninirahan sa isang maliit na tahanan.

Image Credit via Google

Sa kanyang Youtube Vlog ay ipinakita ni Kim Chiu ang itsura ng kanilang dating tahanan sa Cebu City bago pa siya makilala sa pagpasok niya sa PBB. Dito pinakita niya ang kanilang maliit na tahanan na kung saan ay ang kanilang sala, kusina at kwarto ay pinagkasya nila sa maliit na espasyo sa kanilang dating tahanan.

Image Credit via Google

Ipinakita rin ni Kim ang tahanan ng kanyang Lola kung saan ayon sa kanya ay doon sila pagtitipon-tipon sa tuwing nagkakaroon ng munting kasiyahan at salo-salo ang kanilang pamilya.

Image Credit via Google

Sa kanyang Vlog ay sinabi ni Kim na sa kanilang dating maliit na tahanan na iyon nagsimula ang lahat ng kanyang pangarap. “This is the place kung saan kami nakatira and this is our house before kung saan dating nangarap at natupad. Dito talaga nagstart lahat.” Ayon kay Kim.

Image Credit via Google

Ipinakita rin niya sa kanyang Vlog ang condominium na naipundar niya sa Cebu na inilalaan niya para sa kanyang pamilya, ayon kay Kim isa iyon sa mga hidden treasure niya sa kanilang lugar sa Cebu.

Sinabi rin niya na sa mga bagay na ganun nakikita niya talaga yung hardwork niya, yung mga puyat at pagod niya.




Marami ang mga tagahanga ni Kim ang mas humahanga pa sa kanya ng makita ang mga ito ang dating bahay ng aktres na ngayon ay nagmamay-ari na ng isang malaking bahay na ipinakita na rin niya noon sa kanyang mga tagahanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *