Kinakailangan Niyang Magtinda Ng Lumpia Para May Maipangtustos Siya Sa Eskwela

Hindi lahat sa atin ay nabigyan ng pribilehiyo maipanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ibig sabihin nito, marami sa atin ang ipinanganak at lumaking hindi ganoon ka-komportable ang buhay. Marami sa atin na sa murang edad pa lamang ay naranasan na ang pait at hirap ng buhay. Marami rin sa atin na sa murang edad pa lamang ay kailangan nang kumayod para lamang makatulong sa pamilya at matustusan ang ating mga sariling pangangailangan nang hindi na umaasa sa ating mga magulang.


Image courtesy from Facebook page of Tsismosong Panot




Kahirapan ang karaniwang dahilan kung kaya’t marami sa mga kabataan ngayon ang hindi nabibigyan ng maayos na edukasyon. Ang kawalan ng edukasyon ang dahilan kung bakit marami pa rin sa atin naghihirap at nanatiling mahirap hanggang sa pagtanda dahilan upang lumala ang krimen sa ating bansa. Ngunit sa kabutihang palad, may mga tao pa ring hindi alintana ang kahirapan upang hindi makakuha ng maayos na edukasyon sa buhay.


Image courtesy from Facebook page of Tsismosong Panot

Sa katunayan, ito pa nga ang kanilang ginagawang rason upang magpursige sa buhay.
Katulad na lamang ng isang Grade 12 na estudyante mula sa Talavera National High School na ngayon ay kasalukuyang nag-trending sa social media dahil sa inspirasyon kanyang dala para sa lahat ng mga kabataan. Sina Sherydy Turalba at Sabina De Vera ang mga netizens na nagbigay daan para kay Sarah para makilala siya sa social media. Sabi ni Turalba, hindi niya raw inakalang ginagawa ito ni Sarah para matustusan ang kanyang pag-aaral dahil akala niya raw noon ay para lamang ito sa isang proyekto niya.


Image courtesy from Google

“Nakaka–inspire si Ate. Gumagawa siya ng paraan para makaraos siya at para maka–graduate. Nakatira po si Ate Sarah sa Aliaga, at sa Talavera National High School po siya nag–aaral. Sa simpleng pagbili lang natin ng lumpia, malaki na ang maitutulong natin sa kanya. Grade 12 na daw po siya. Ate, kung nababasa mo man ‘to, nakaka–inspire ka. God bless you ate. Pa–share na din po, salamat,” caption ni Turalba. Maraming mga netizens ang natuwa at na-inspire sa litrato na ito ni Sarah. Nawa’y maging isang inspirasyon si Sarah sa lahat ng mga kabataang may pinagdadaanan ngayon.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *