Kiray Celis Ipinamimigay Ang Iba Niyang Mga Pre-loved Shoes Sa Kanyang Mga Fans

Marami sa ating mga kilalang artista ay may mga iba’t-ibang kinahihiligang kolektakon. Ang iba sa kanila ay mahilig mangolekta ng bags, mga jewelries, mga sasakyan o kaya naman ay mga sapatos.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram




Isa sa mga artista na ito ay ang aktres na si Kiray Celis.Ayon kay Kiray ay napakahilih niya talaga sa sapatos, kaya naman napakarami niyang sapatos kahit na dalawa lang naman ang kanyang paa, kaya naman ang iba sa mga ito ay nais niyang ipamahagi o ipamigay.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Ayon sa dating “Goin’ Bulilit” star, imbis daw na masayang at mapunta lang sa basura ang kanyang mga hindi na nagagamit ang sapatos ay mas mainam pa na ipamahagi na lamang niya ito.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Kaya noong March 10 lamang ay nag post ang nasabing aktres sa kanyang Instagram na kung sino man ang nais na mabigyan niya ng kanyang nagamit na sapatos ay imessage lamang siya basta kasya sa kanila ang parehong sukat niya na size 5.

“Ako po yung tipo ng taong mahilig sa sapatos, pero dalawa lang ang aking paa(I’m the kind of person who loves shoes but I only have two feet)”, ang sabi ng aktres.

Makikita sa dalawang larawan na ini-upload ni Kiray sa kanyang Instagram ang dami ng kanyang mga sapatos na halos sinakop na ang isang bahagi ng isang silid. Iba-ibang klase ng sapatos ang makikita sa Instagram post ng aktres katulad na lamang ng sandals, boots,heels at rubber shoes na ang ilan nga sa mga ito ay kanya ng ipapamigay.

Ayon din sa aktres, hindi siya mahilig mag bazaar kaya naman ang ilan sa mga sapatos niya ay binigay niya sa kanyang lola, mama, kapatid, pinsan o mga kaibigan na pagkakasyahan ng kanyang sapatos.

“Kaya imbes na masira at maluma ng hindi nagagamit, bilang hindi po ako nag babazaar ng mga preloved ko, binibigay ko po sa mama ko, sister-in-law, sa mga pinsan at lola ko o sa mga kaibigan na may kasya” saad pa ng ni Kiray.

Maliban pa sa pagbibigay ng aktres ng mga preloved shoes niya sa kanyang mga kapamilya, ay nais din niya itong ibahagi sa kanyang mga tagahanga. Sabi pa ng aktres sa mga nais na mabigyan, ay imessage lamang siya.

“Oh kahit sino na size 5, message niyo lang po ako” ang dagdag pa ng aktres ….
Dating artista ng ABS-CBN network si Kiray, ngunit siya ay lumipat sa GMA network noong December 2018.




Ang isa nga sa mga naging proyekto niya sa nasabing network ay ang Romantic comedy series na “Love You Two”, na pinagbibidahan ni Jennylyn Mercado, Gabby Concepcion at Solenn Heussaff.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *