Kiray Celis Sinorpresa Muli Ng Bongga Ang Kanyang Ina Sa Araw Sa Ika 57 Kaarawan

Si Kiray Celis ay isa sa mga hinahangaang komedyante ngayon sa mundo ng showbiz. Siya’y hindi lamang hinahangaan dahil sa kanyang husay sa pagpapatawa kundi mas hinahangaan ang kanyang kabutihang loob at pagiging isang mabuting anak sa kanyang magulang.




Batid ng marami sa atin kung gaano mapagmahal at mapagbigay si Kiray sa kanyang pamilya, lalo na nga sa kanyang mga magulang. Halos bawat kaarawan nga ng kanyang mga magulang o tuwing may espesyal na okasyon ay hindi binibigo ni Kiray ang mga ito na pasayahin.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Samantala, tila nga talagang taon-taon ay nais ni Kiray na pasayahin ang mga magulang niya sa tuwing ang mga ito ay nagdiriwang ng kaarawan, lalo na nga ang kanyang ina. Nito lamang kasing nakaraan ay muling nagdiwang ng kaarawan ang ina ng komedyante, at muli ngang isa na namang bonggang sorpresa ang inihanda na regalo ni Kiray para sa kanyang ina.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Sa Instagram post nga ni Kiray nito lamang nakaraan ay kanya ngang ibinahagi ang kaganapan sa kaarawan ng kanyang ina. Kung saan makikita nga na maliban sa mga inihanda nilang masasarap na pagkain ay mayroon ding ilan na mga bisita ang kanilang pamilya para sa nasabing okasyon.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Isang video nga ang ipinost ng komedyante sa kanyang Instagram kung saan ay mapapanood nga kung paano niya muna prinank ang kanyang ina sa araw ng kaarawan nito bago nga niya ibinigay rito ang talagang sorpresa niya para rito.

Photo Credit: kiraycelis/Instagram

Ang prank nga na ginawa ni Kiray sa kanyang ina ay ang pinahatak niya rito ang isang cake topper na sa pag aakala nga ng kanyang ina ay mayroon itong laman na pera, ngunit ng ito bga y hatakin na ay wala pala. Agad namang inamin ni Kiray na prank lamang niya iyon sa ina, at ang talagang sorpresa niya ay sinabi na nga niya kung saan ang kailangan nga nitong hilahin ay ang topper cake na lechon ang disenyo.

Nang simulan ngang hatakin ng ina ni Kiray ang lechon cake toppee ay dito na nga magkakasunod na lumabas ang tig iisang libong piso, na ayon nga sa komedyante ang total amount ng naturang halaga ay Php57,000, sapagkat 57-taon na nga ang ipinagdiriwang na kaarawan ng kanyang ina.




“Last year, 56 ka so 56K. Ngayon 57 ka, 57 thousand pesos na. Ma, every year na ba ito? So, paano ako? HAHAHAHAHHAAH!!!!!! Happy Birthday Mama!”, ang naging caption ni Kiray sa kanyang video post.

Tunay ngang kahanga-hanga ang pagiging mapagmahal at mapagbigay na anak ni Kiray sa kanyang mga magulang, kaya naman talagang nararapat lamang sa kanya ang kasikatan at tagumpay na kanyang tinatamasa dahil sa kabila nga ng mga ito ay nanatili ang pagiging mapagbigay niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.