Kitchie Nadal Namumuhay Ngayon Ng Simple Kasama Ang Kanyang Buong Pamilya

Hindi nga naman lahat ng tao ay sa katarungan at kasikatan matatagpuan ang totoong kasiyahan ng buhay. Ang iba ay nagagawang talikuran ang kasikatan at katanyagan naabot, upang mas naisin ang mamuhay ng simple at masaya kasama ang kanilang pamilya.




Isa nga sa mga ito, ay ang dating sikat na OPM singer, kilalanin natin siya; Natatandaan niyo pa ba ang dating singer at songwriter na si Kitchie Nadal o Ana Katrina “Kitchie” Dumilon Nadal-Lopez sa totoong buhay? Una siyang nakilala bilang lead vocalist ng bandang ‘Mojofly’ na sumikat noong taong 1998, ngunit mas kilala pa ang kanyang pangalan ng siya ay magsolo bilang OPM singer.

Image Credit via Google

Dahil sa magaganda ang likha niyang kanta ay talaga namang lagi itong maririnig na inaawit ng mga Pinoy, at isa na nga sa mga ito ay ang second single niya na “Never Say Never”, na kung saan taong 2004 ay isa ito sa mga most-played OPM at umani ng napakaraming awards.

Image Credit via Google

Ilan pa nga sa mga kantang kanyang pinasikat ay ang Same Grounds, Free, Starting Now, Wandering Stars at Majika.

Image Credit via Google

Kahit pa nga naabot na ni Kitchie ang pinapangarap ng marami na kasikatan at popularidad sa larangan ng musika, mas pinili ng OPM singer ang isang simpleng buhay.

Image Credit via Google

Taong 2015 ng magpakasal siya sa kanyang fiancé na si carlos Lopez, kung saan ay naging usap-usapan at kontrobersyal din ang kanyang naging kasal dahil mas pinili niya ang magsuot ng isang simple at mumurahing damit pangkasal.

Image Credit via Google

At matapos nga ang kanyang naging pagpapakasal ay pinili nila ng kanyang asawang si Carlos na sa Spain na manirahan, kung saan doon nagtatrabaho ang Mr. niya bilang isang Journalist. Ilang taon rin matapos magpakasal ni Kitchie, ay biniyaan agad sila ng kanyang asawa ng anak na lalaki.

Gayunpaman, naging bukas pa rin si Kitchie sa publiko lalo na sa mga magagandang pangyayari sa kanyang buhay. Sa kanyang Instagram, makikita na masayang ibinahagi ni Kitchie ang naging pagbubuntis niya sa panganay nilang anak ng kanyang asawa, na si Kein.

Makikita rin na paminsan-minsan , ay kumakanta pa rin siya sa mga selected events.
Sa ngayon ay busy ang dating OPM singer, sa pagiging brand endorser ng isang sikat at kilalang multinational gas company na “Caltex” kung saan ay kasama niya rin rito ang ilan pang renowned international musicians. Lumalabas din siya sa ilang mga commercial na ipapalabas sa ibang bansa.




Paminsan-minsan ay bumisita pa rin si Kitchie at kanyang pamilya dito sa ating bansa, upang bumisita sa kanilang mga kapamilya dito, at mas madalas nga nila itong ginagawa sa tuwing may mga okasyong pang pamilya.

Tunay nga naman na ang pamumuhay ng simple kasama ang pamilya ay mas magbibigay ng kasiyahan sa isang tao, kumpara sa katanyagan at kasikatan dahil ang pamilya ang pinaka-masasabi nating kayamanan natin dito sa mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *