Koleksiyon Ni Assunta De Rossi Ng Mga Mamahaling Sasakyan Ipinakita Sa Publiko

Aminin man natin o hindi, halos lahat tayo ay nangangarap magkaroon ng mga magagandang materyal na bagay sa ating buhay tulad na lamang nga ng magandang cellphones, laptops o kaya naman ay 4-wheels na mga sasakyan.




Ngunit dahil nga sa hindi naman ang lahat sa atin, ay biniyayaan na magkaroon ng maayos at masaganang pamumuhay at ang kinikita lamang ng marami ay sasapat lamang sa pang-araw-araw na gastusin sa bahay tulad ng pambili ng makakain at pambayad ng bills ay hindi lahat ng mga materyal na bagay na nais natin ay talagang nakukuha o naaffod ng ilan sa atin.

Image Credit via Google

Pero sadyang may mga taong biniyayaan na maging masagana ang buhay na talagang lahat ng kanilang mga naisin ay kanyang na-afford bilhin. Tulad na lamang ng isang aktres na ito, na talagang mapapa-sana all ang marami dahil hindi lang isa o dalawa ang kanyang mga mamahaling sasakyan, kundi ito ay higit pa at ginawa na nga ata niyang koleksiyon ang mga ito.

Image Credit via Google

Si Assunta De Rossi ay isa sa mga aktres na masasabi nating biniyayaan ng maayos at masaganang pamumuhay, lalo na ng mapangasawa niya ang isang dating pulitiko at galing sa pamilya ng mga negosyante na si Jules Ledesma.

Image Credit via Google

At isa sa mga magpapatunay ng kaginhawaan ng buhay na mayroon ang aktres ngayon ay ang pagkakaroon niya ng koleksyon ng mga mamahaling sasakyan.

Image Credit via Google

Nitong nakaraan lamang sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang isang larawan ng napakaraming susi ng sasakyan, at ito pala ay susi ng kanyang mga luxury cars.

Image Credit via Google

“Hay nako, useless kayo these days. Pa-fresh na muna,” saad nga ng aktres sa caption na kalakip ng larawan ng mga susi. Dahil nga sa dami ng mga susi ng mga sasakyan na makikita sa larawang ibinahagi ni Assunta, ay talaga namang namangha ang ilang mga netizens dito.

Image Credit via Google

Isa pa nga sa mga nagbigay ng komento sa larawan na ito ng aktres ay ang kanyang kapatid na si Alessandra De Rossi, na kung saan ay biniro nito si Assunta na ipa-raffle na lang nito ang mga susi at panigurado na isang kubo sa isang beach ang mabibili nito.

Ang ilan nga sa mga mamahaling sasakyan na nasa koleksiyon na ng aktres ay ang Rolls Royce Dawn at Rolls Royce Wraith, na ang mga presyo ay talagang nakakalula dahil nagkakahalaga lang naman ang bawat isa nito ng tumataginting na PHp 25 milyon bawat isa, oh di ba wow na wow ang presyo.

Hindi nga lamang yan ang mga nakakalula ang presyo na sasakyan ng mag-asawa. Dahil ilan pa sa kanilang mamahaling sasakyan ay ang Maserati, Audi, 2005 Ferrari Superamerica, at ang tatlong Bentley cars nilang mag-asawa.

Samantala, kahit pa nga napakarami na ng mga koleksiyon ng mamahaling sasakyan ng mag-asawa, ay may isang sasakyan na ninais ang aktres na hindi niya nakuha kaya’t wala siya nito ngayon.

Ayon sa naging panayam noon sa aktres, isa sa mga pangarap niyang sasakyan ay ang 1990’s Nissan Altima, ngunit dahil nga sa phase out na ito sa market at wala ng gumagawa ng ganitong uri ng sasakyan ngayon ay hindi ito kabilang sa kanyang mga koleksiyon.

Sa kabila naman ng hindi natupad na pangarap ni Assunta na magkaroon ng 1990’s Nissan Altima na sasakyan, isang pangarap naman na buong akala niya ay hindi na matutupad ang biyayang ibinigay sa kanya.

Ilang araw pa lamang ang lumilipad ng ianunsiyo ng aktres sa publiko, sa pamamagitan ng kanyang social media account ang isang pinakamalaking biyaya na ipinagkaloob sa kanilang mag-asawa, at ito nga ay ang kanyang pagdadalang-tao na para sa kanya ay isang milagro.




Ang magkaroon ng isang anak ay matagal ng pinapangarap ng mag-asawang Assunta at Jules, ngunit dahil sa ilang taon na rin mula ng sila ay magsama at ikasal na hindi man lang sila nabibigyan ng anak ay hindi na sila umasa pa na mangyayari ang biyayang ito sa kanila.

At ngayon nga na kumpirmado na ang isang napakagandang balita, na buntis si Assunta ay walang kasing saya ang nararamdaman ng mag-asawa. Marami rin sa kanilang mga kapamilya, kaibigan at taga suporta ang naghatid ng kanilang maligayang pagbati para sa mag-asawa sa biyayang natanggap ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *