Konsepto Ng Christmas Tree Ni Dra. Vicky Belo Hango Umano Sa Ideya Ng Kanyang Anak

Tuwing lumalapit ang kapaskuhan, ang bawat isa sa atin ay naging busy sa pagdedekorasyon sa ating bawat tahanan upang nararamdaman natin ang diwa ng kapaskuhan.

Image Credit via Google




Isa sa pinaka importanteng dekorasyon tuwing pasko ay ang pagkakaroon ng Christmas Tree sa isang tahanan. Kung makakakita tayo ng Christmas Tree sa isang tahanan nagpapahiwatig lamang ito na papalapit na ang kapaskuhan.

Image Credit via Google

Isa ang tahanan nina Dra. Vicky Belo na taon taon ay may Christmas Tree sa tuwing nalalapit na ang pagsapit ng kapaskuhan. Sa tahanan nga nina Dra. Vicky, ang kanilang Christmas Tree ay dine disenyo ng personal decorator ni Oprah Winfrey’s na si Stephen Brown taon-taon nag mula pa noong 2016.

Image Credit via Google

Ngunit ngayong taon ang nakakatuwa ay tumulong ang kanyang anak na si Scarlet Snow sa ideya ng magiging theme ng kanilang Christmas Tree Sa larawang ibinahagi ni Dra. Vicky Belo Ay makikita ang kanilang 10-foot wide Mexican themed Christmas Tree, na kung saan ay mamamangha ang bawat makakakita nito dahil sa kakaiba nitong disenyo at iba’t ibang kulay na nakapalibot dito na nagbigay ng kakaibang ganda at buhay sa Christmas Tree.

Image Credit via Google

Ang nasabing Christmas Tree ay napapalibutan ng iba’t-ibang mga prutas at mga hayop na gawa mula sa paper mache, sa itaas naman nito ay makikita ang isang “senorita” na kung saan ay ito ang nagsisilbing tree’s star.

Ayon din kay Dra. Vicky Belo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na tumulong ang kanyang anak na si Scarlet Snow sa pag decorate at pag-iisip ng magiging disenyo ng kanilang Christmas Tree, at natutuwa siya dahil sa napakagandang kinalabasan ng ideyang ito ng kanyang anak.




“it’s the first time she helped. Kasi usually they just do it with her, one trinket…but now she was involved this year”, ang naging pahayag ng sikat na beauty doctor na si Dra. Vicky Belo.
Damang-dama na nga ang kapaskuhan sa tahanan ng Dra. dahil sa napakaganda at napakakulay nilang Christmas Tree. Excited na din ang batang si Scarlet Snow sa darating na kapaskuhan at magiging pagdiriwang nito sa kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *