Korona Ng Bagong Miss Universe 2019 Nagkakahalaga Umano Ng Limang Milyong Dolyar

Isa sa inaabangan taon-taon ay ang Miss Universe, na kung saan naglaban laban ang mga naggagandahang dilag galing sa iba’t ibang bansa. Noong nakaraang taon ay nasungkit ng pambato ng ating bansa na si Catriona Gray ang titulong Miss Universe.

Image Credit Via Google




Ang ating kalahok na si Catriona Gray ang nag-uwi ng korona at nagbigay muli ng karangalan sa ating bansa upang muling kilalanin ang Pilipinas sa buong mundo.

Image Credit Via Google

Ngayong taon nga, ay gaganapin sa Atlanta, Georgia, USA and Miss Universe 2019 pageant.
At ilang linggo bago ang nasabing patimpalak, ay ipinasilip ng Miss Universe Organization ang bagong korona na nakapatong sa ulo ng bagong tatanghaling Miss Universe 2019
Si Ms. Universe 2018 Catriona Gray ang magpapasa ng nasabing korona sa susunod na Miss U 2019.

Image Credit Via Google

Ang korona, na mapapasakamay ng tanghaling Miss Universe 2019 ay tinawag na “Unity Crown”, ito ay ginawa ng Mouwad isang kilalang jewelry company sa bansang Dubai.
Ang koronang ito ay dinesenyo ayon na rin sa layunin at mithiin ng Miss Universe pageant, na pagka isahin ang bawat kababaihan na galing sa iba’t ibang bansa na may iba’t-ibang kultura, kulay, lahi at paniniwala.

Image Credit Via Google

Sa ipinakita ng disenyo ng korona ay makikita na napakarami nitong diamond, at ayon sa ulat ito ay may higit kumulang sa 1000 pirasong mamahaling diamond na nagbigay ng ganda at tingkad dito.

Tinatya din na ang korona ng ito ay nagkakahalaga ng 5 milyong dolyar, na kung saan dito sa atin ito ay PHP 253, 900,000 halaga ng salapi. Sino nga ba ang maswerteng mag-uuwi ng koronang ito, at saang bansa na naman magmumula ang hihirangin na bong Miss Universe 2019.

Sa Instagram ng Miss Universe Organization ay makikita ang larawan ng korona kung saan may caption na “Who will take whom the @mouwadjewelry crown? Tune in December 8th at 7/6c FOX #missuniverse #missuniverse2019.

 

View this post on Instagram

 

Introducing the official Miss Universe @mouawadjewelry Crown ✨

A post shared by Miss Universe (@missuniverse) on




Marami na naman nga sa ating mga kababayan ang siguradong aabangan at manonood ng Miss Universe 2019, hindi lang upang kilalanin ang bagong hihirangin sa taong ito kundi upang magbigay din ng suporta sa pambato ng ating bansa sa nasabing patimpalak.
Ang 68th edition ng Miss Universe 2019 pageant ay mapapanood ng live sa December 9 mula sa Atlanta, Georgia, USA sa ABS-CBN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *