Kris Bernal Ibinahagi Ang Mga Aral Sa Buhay Na Natutunan Niya Sa Kanyang Fiancé Na Si Perry Choi

May mga tao nga naman sa buhay natin na darating na hindi man natin hilingin ay magbibigay sa atin ng aral sa buhay. Minsan ang mga taong ito ay dumadaan lang sa ating mga buhay, ngunit madalas rin na ito ay nagtatagal.




Kadalasan nga ang mga aral na ito sa ating buhay, ay natutunan natin sa mga taong matagal nating nakakasama, tulad ng ating mga kaibigan o di kaya naman ay ng ating mga mahal sa buhay, tulad ng ating nagiging partner o kasintahan.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Isa na nga sa mga halimbawa niyo ay ang popular na aktres na si Kris Bernal. Si Kris ay isang dating Kapuso actress, na ngayon ay isa ng freelance artist.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Batid ng marami sa atin na si Kris Bernal, ay isa sa mga celebrity ngayon, na inaabangan na ang magiging kasal, sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Perry Choi, kung saan na-engaged ang dalawa, noon lamang nakaraang taon.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Samantala, makikita naman sa buhay ngayon ni Kris, kung gaano siya kasaya sa relasyon nil ani Perry, at sa katunayan, ayon sa aktres, ay talagang malaki ang pasasalamat niya dahil ito ang magiging katuwang niya sa buhay sapagka’t napakaraming mahahalagang aral ang natutunan niya sa kanyang mapapangasawa.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Noon ngang ika-26 ng Disyembre, ay ibinahagi ni Kris Bernal sa kanyang Instagram account, ang mga larawan nila ni Perry na magkasama, at kalakip nito ay ang caption niya kung saan ay sinabi niya ang mga bagay na kanyang natutunang pahalagahan dahil kay Perry.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Ayon nga sa aktres, natutunan niya sa kanyang magiging asawa, na isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat mong pahalagahan habang ikaw ay nabubuhay sa mundo ay ang mga ala-ala, dahil isa ito sa mga bagay na hindi mo makikita sa mga materyal na bagay, at hindi mo rin ito maaring mabili sa isang tao.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Ang mga ala-ala ngang ito, ay makikita mo sa pamamagitan ng mga magagandang gawa na ibinabahagi mo sa iyong kapwa, o sa iyong mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ni Kris, natutunan din niya kay Perry, ang maging lagi lang positibo sa buhay. Ang huwag pansinin ang sasabihin o magiging pananaw ng ibang tao, dahil ang mahalaga ay ang magawa niya ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanyang sarili ng wala siyang natatapakang ibang tao.

Photo Credit: choi.perry/Instagram

Natutunan rin umano ng aktres, na bigyang halaga ang mga maliliit na bagay na nangyayari sa kanyang buhay.




Ibihagi rin ni Kris, kung paano siyang sinamahan at hindi iniwan ni Perry noong mga panahon na siya’y dumaan sa maraming pagsubok sa buhay, at ito nga ay noong buwan ng Hulyo ng nakaraang taon, ng naipasara ang ilan niyang negosyo, tulad ng kanyang Korean Restaurant at House of Gogi, dahil nga sa krisis kinakaharap ng lahat, saan mang panig ng mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *